Aneya's POV
Dahil sa curious ako kung sino ang mga naririnig kong nagsasalita naisipan kong isurprice at buksan ang pinto ng parang si Elsa! walang basagan ng trip Wahahah. Pero sa pagbukas ko ng pinto biglang parang may tumama.
"Aray!!"
Pagkatingin ko, nakita ko si Cyriel na nakahawak na sa kanyang noo.
"O Cyriel ano ginagawa mo dito?! Sorry hindi ko sinasadya!" Sabi ko at inalalay siya sa sofa namin.
"Wait kukuhaan lang kita ng yelo" sabi ko ng mabilis at madali na pumunta sa kusina. Grabe ang lakas pa naman ng pagkaka bukas ko, malay ko naman may tao pala dun.
Hindi lang pala si Cyriel ang nasa bahay, pati din ang mga bestfriend ko na sina Mae at Gela. Wow sweet surprice visit :3
Nakabalik na ako at naabutan si mama kakuwentuhn sila.
"Iho ano nangyari dyan sa noo mo?" Pagtanong ni mommy, kakadating niya lang kasi may hawak na mga groceries.
"Aahh wala po nauntog lang" magalang na sagot ni Cyriel habang nakahawak pa sa kanyang noo.
"ahhh sige papakuhaan kita ng yelo kay Ayena, pero may tanong ako sayo. Kaano ano mo anak ko? manliligaw? O boyfriend?" Pagtatanong ni mama na ikinagulat ko.
"Ah... hin--" bago pa matapos ni Cyriel ang sasabihin niya ako na ang nagsalita.
"Ma naman kaklase ko lang po yan wala nang iba period!" Sabi ko. Pero sa itsura ni mama hindi siya convince.
"Defensive much?" Pagsingit ni Mae. Tiningnan ko lang siya ng masama, aba at inirapan pa ako, edi inirapan ko din siya sabay flip ng hair charot jk.
"O sya, maluto lang ako, dito na kayo kumain, tatawagin ko nalang kayo kung tapos na. Oy gamutin mo yang kaklase mo, namuno nanaman yang kabaliwan mo." Pagsasabi ni mama at pumunta na ng kusina. Sure ako alam na ni mama na ako ang dahilan ng pag kabukol niya kaya sinabi niya yun. Galing noh!
Well may pagkabaliw talaga ako, alam na alam ni mama yan. Naalala ko tuloy yung grade 3 ako, kasama ko nun si Van trending pa nun ang Frozen.
So ang nangyari palabas na kami ng canteen ni Van ng biglang pumasok sa isip ko na gayahin si elsa sa pagbukas ng pinto which is inimagine ko ako yun and then sabay sabing "Let it go!" at ayun may natamaan ako na kaklase which si nabungi.
So nagalitan nga ako at nagsorry sa kaklase ko which is my mortal enemy nun, kaagaw ko kasi siya sa crush ko.. heheheh
Natatawa naman ako dahil may na aksidente nanaman sa pag gaya ko kay elsa, pero hindi nabungi, kung hindi na bukulan wahahahah ang bad ko.
"Hay si mama talaga," pagbulong ko ng nakangiti dahil sa naalala ko.
"O yelo." Inabot ko kay Cyriel.
"Ano gagawin ko dito??" Pagtataka niyang tanong.
"Try mong lunukin para malaman mo, tapos sumigaw kang Darna?! malamang ilagay mo sa noo mo! Gusto mo ako pa maglagay eh!" Sabi ko at kinuha na sa kanya ang yelo.
"Aahh.. akala ko kasi pang pukpok sayo para parehas na tayong may bukol." Pabulong niyang sabi pero narinig ko.
"Ano sabi mo?!" Pagpapaulit ko sa kanya.
" Sabi ko ako na! baka maging tatlo ang bukol ko!" Sabi niya saakin at inagaw ang yelo na hawak ko. Hayst! Kainit ng ulo!
Hindi ko na siya pinansin at humarap kayla Mae at Gela na malawak ang mga ngiti.
"Hoy anong mga ngiting yan! Tumigil kayo kung hindi tatahiin ko yang bibig niyo para hindi kayo makangiti!" Pagbabanta ko pero hindi sila nagtigil. So para makaiwas sa sitwasyong ito nag isip na ako ng topic.
"Ano nga palang ginagawa niyo dito?"
"Hahah nag iba siyang topic o! Ikaw ha! Eh kasi naman ang tagal mo pumunta sa meeting place natin eh so naisip namin na puntahan ka nalang dito" sabi ni gela ng nakagiti.
"ahh sorry tinulungan kasi namin ni Van si Andrew nun sa paglinis kaya natagalan ako." Pagexplain ko.
"Aahhh ganun? Oy sis may ichichismis ako! Yung nangyari kanina kay gel--" napatigil si Mae dahil tinakpan ni Gela ang bibig nito, hay si Gela talaga, for sure napahiya yan.
"Oy tumahimik kang babae ka!" Pagbanta ni Gela.
"Sige na sabihin na natin, nakakatawa ka pati nun laughtrip!" Sabi ni Mae at tawa ng tawa, nakakacurious naman.
"Che! manahimik ka! Dun ka sa halaman magkwento!" Inis na sabi ni Gela, nakakatawa lang.
Nanahimik nalang si Mae pero humarap siya saakin and mouthed na sasabihin niya saakin sa fb.
Madami pa kaming kwentuhan sa mga nangyayari this past few days, tungkol sa classroom nila, kung may crush na ba, o kaya may kinaiinisan na wahahah basta madami, parang hindi kami nagkita ng isang taon ^•^
"Oy!" Pagsingit ni Cyriel.
"Ano?" Nalimutan namin na nandito pa pala itong si Minion.
"Jacket ko" Paalala niya saakin.
"Ay oo nga pala, wait kukunin ko lang." Sabay akyat ng mabilis sa kwarto. Hinanap ko ng hinanap pero hindi ko makita. Saan ko kaya yun nilagay?
After 10 mins of thinking naalala ko na
Naiwan ko nga pala sa gym! Naalala ko nga pala nung naglinis kami nilapag ko muna. Omg sana walang kumuha! Patay! •_•
So nagisip muna ako ng palusot bago bumaba. Ang naisip kong palusot ay nilalabahan pa kaya bukas ko nalang ibabalik. Sana talaga hindi yun mawala.
"Nasaan na nga pala sila Mae?" Pagiiba ko ng topic. Bale kasi si Cyriel nalang nandito.
"Umalis na, hinahanap na daw kasi sila." Sabi ni Cyriel na hawak parin ang yelo sa noo.
Nakonsensya naman ako, syempre ako ang nakasakit ang sungit ko pa sa kanya. Kaya nilapitan ko na siya at tutulungan, hoy wag kayo magisip ng kung ano ano, walang malisya ito.
"Oy anong ginagawa mo?! Kaya ko na sarili ko." At kinukuha saakin ang yelo.
"Ang arte mo ikaw na nga itong tinutulungan! Edi wag! Saksak mo sa baga mo!" at binato ko sa kanya na tumama naman sa kanyang bukol.
"Aray!"
"Ay sorry!" Dali dali ko naman siyang tinulungan.
"Ikaw kasi ang kulit mo, ayan tuloy" dagdag ko. Nagkuha na din ako ng bandage para sa noo niya kasi medyo nagkasugat.
"Ako pa tong may kasalanan? Ikaw nga tong nakikiagaw eh kaya ko naman talaga sarili ko. Pero pagbibigyan kita kasi natandaan ko meron ka nga pala ngayon." Natatawa niyang sabi. Pinalo ko naman siya ng malakas sa braso, nakakainis kasi eh!
"Aneya kain na muna kayo." Sabi ni mommy habang may hawak na ulam at nakangiti ng malawak. Hayst si mama talaga kung ano ano ang iniisip.
Pagkasabi ni mommy inaya ko na si Cyriel.
~•~
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVE STORY
RandomSiya nga pala si Aneya Cath Quizon, 16 years old. Simple ang kanyang buhay, hindi mayaman pero di din naman mahirap. Siya ay masayahin, palaban, mabait, at tama lang ang kanyang ganda. Isa siyang babae na takot magmahal at hindi naniniwala sa Foreve...