Nakakainis naman itong taon na ito hindi kami magkakaklase ni Gela at Mae. Iba iba kami ng section.
Si Mae, Section niya 4A. Si Gela naman section 4B
at ako section 4C... halo halo ang mga matatalino at di gaanong matalino.Di ko alam kung bakit pero ganun talaga haha...
Ang mas nakakainis pa kaklase ko yung minion na yun!Kung nagtatanong kayo kung bakit minion ang tawag ko don kasi yung mata niya pabilog na parang sa minion tsk.
Nagupo ako sa bandang dulo ng classroom.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko, kilala ko yung iba kasi dati ko nang kaklase, yung iba taga ibang section kaya di ko masyadong kilala nakikilala ko lang sa muka dahil nakikita ko minsan.
Napatigil ako kay minion na malapit sa bintana, kung minamalas ka nga naman naging kaklase ko ang sumira ng araw ko tsk, napailing nalang ako.
So habang wala pa yung adviser namin nag drawing muna ako sa notebook ko ng kung ano ano.. ng may napansin akong tumabi sa akin.
"Hi, ako nga pala si Krizzel Crisol but you can call me KZ ^_^"
Tiningnan ko yung babaeng nagsalita. mas matangkad siya kaysa sa akin, ang ganda niya, maikli ang buhok niya, maputi, yung mata niya ang ganda, tapos ang bait niya pa.
"Hello, ako nga pala si Aneya Cath Quizon call me Aneya ^_^." sabi ko at nakipag kamayan. Baguhan siya, kasi ngayon ko lang nakita.
"Pwede ba kita maging kaibigan?" tanong niya.
"Oo naman." sabi ko at nag smile sa kanya.
"O?! thanks! ^__^" sabi niya
"Kilala mo ba yung lalaki na yun?"sabi niya habang nakaturo dun sa lalaking nakaupo sa pangalawa sa unahan.Tiningnan ko yung tinuro niya.. ahh si Kralc Matsusaki.. dati ko na yun kaklase maputi, half Japanese, makulit, mapangasar, at gwapo din pero di ko siya type ;P .[bakit niya kaya natanong?] isip ko.
"Bakit ko na tanong? kasi ang pogi niya eh pakilala mo naman ako dun haha joke lang nakakahiya naman." sabi niya. [Grabe manghuhula ba toh?]
"Hindi ako manghuhula nalalaman ko lang dahil sa expression mo." at tumawa siya. Grabe ang bilis ko palang mabasa?. -_-
Tumigil sa pagtawa si KZ ng may pumasok sa classroom namin.
"Goodmorning Class"
"Goodmorning Mam!" sabi namin
"Let me introduce my self, My name is Ms. Rachell Stimas and I will be your adviser for these school year, before we start first introduce your self starting from the back." sabi niya at kung minamalas ka nga naman sa likod pa ako nakaupo.
So nagsimula na akong magpakilala.
" Hi guys my name is Aneya Cath Quizon you can call me Aneya, 16 years old, my hobby is to read wattpad and listening to music." sabi ko at umupo na.Sumunod naman si KZ.
"Hello, I'm Krizzel Crisol, 16 years old, new student po ako. Mahilig din sa wattpad at music ^_^. Sana maging kaibigan ko kayo lahat." sabay ngiti.Pagkatapos niya sunod sunod na yung iba mag pa kilala. Hanggang si Minion na ang sunod -_-.
"Ako nga pala si Cyriel Tim Tarffey, 16 years old, you can call me Cyriel." cool niyang sabi at nag tilian yung ibang babae tsk. May itsura nga pangit naman ang ugali wag nalang...
Pag ka tapos lahat mag pa kilala nagsimula na magexplain ang aming adviser ng kung ano ano. Pa gaya ng mga mangyayaring events.
"Class maelect tayo ng officers bukas, at bukas din natin aayusin ang inyong sitting arrangement. So you may now take your recess."sabi ng aming teacher at lumabas na.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVE STORY
RandomSiya nga pala si Aneya Cath Quizon, 16 years old. Simple ang kanyang buhay, hindi mayaman pero di din naman mahirap. Siya ay masayahin, palaban, mabait, at tama lang ang kanyang ganda. Isa siyang babae na takot magmahal at hindi naniniwala sa Foreve...