Chapter Four

78 3 1
                                    

Nagising ako ng tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang oras 5:30 palang. Grabe inaantok pa ako eh.

[Sino naman kaya itong nanggulo ng tulog ko?] Sabi ko sa isipan ko habang kinukuha ang cellphone sa lamesa.

~•~

From: 09x-xxx-xxxx

Hi.

~•~

Hi? kilala ba kita? Ang Fc mo ha. Feeling close lang? Sabi ko nung nabasa ko na yung text.Saan niya naman kaya nakuha number ko?

Dahil sa curious ako I text back.

To: 09x-xxx-xxxx
Who you??

Wala pang 5 second may narecieve na ako.

From: 09x-xxx-xxxx
Im just the wind that remains unnoticed in this world.

Sa nabasa ko sobrang na curious na ako. Ang baliw din nitong ka text ko eh, nagtatanong ako kung sino siya tapos yun ang sasagot niya.

Ma reply pa sana ako pero wala na pala akong load.

Ang malas naman. Nevermind ma pa load nalang ako mamaya.

So I try to sleep again. Pero di ako makatulog dahil sa kakaisip dun sa katext ko kanina.

Dahil di na ako makatulog, bumangon na ako sa higaan at bumaba. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. 6:00 na pala.

"Buti gising ka na, akala ko tuwing first day ka lang gigising ng maaga eh pwede din palang second day hahaha." Sabi ni mama habang nagluluto ng umagahan.

Nag smile nalang ako kay mama at umupo, dahil ang totoo di ako makatulog dahil dun sa text hayst, kung nakatulog lang ako nun malamang mga 6:45 na ako magigising.

"Aneya baka malate ka pa, kumain ka na diyan at pupunta dito si Avan. Sabay na daw kayo pumunta ng school." Sabi ni mama habang nagwawalis.

Grabe di ko napansin tapos na pala si mama magluto, grabe naman ang day dreaming ko.

Nagsimula na akong kumain ng almusal at pagkatapos nun naligo na ako at nagbihis.

Nung inaayos ko na ang gamit ko para sa school biglang tumunog ang cellphone ko.

From: 09x-xxx-xxx
I know your getting curious, so nevermind who I am.

Can I be your friend? :)

Huh? Baliw talaga toh. Sa tingin niya na makikipagkaibigan ako sa isang stranger?

No way! Baka kinikilala niya lang ako tapos may balak kidnapin ako, that's too dangerous.

Pero may feeling ako na mabait siya and trusted. Nagdadalawang isip tuloy ako. Why am I feeling this way!

(Dingg Dong..)

Nagbalik ako sa realidad ng marinig ko yung doorbel.

"Anak nandito na si Avan!" Sigaw ni mama tama lang para marinig ko.

Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone 7:00 na pala! Patay malalate na kami. Nilagay ko na yung cellphone ko sa bulsa ko at mabilis na bumababa.

"Hey sorry may ginawa lang sa taas di ko napansin ang ora-" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang ako hinila ni Van.

"Ang daldal mo tara na malalate na tayo, nakatawag na ako ng taxi. Bye po Tita Faye alis na po kami." Sabi ni Van at hinila na ako sa labas.

THE UNEXPECTED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon