Chapter Eleven

67 0 0
                                    


Cyriel's POV

Yes sa wakas may pov na ako hahahaha. Well kilala niyo naman ako diba? Basta ako yung pogi!

Mahangin ba? Well di ko na yun kasalanan kasi I'm just saying the truth, masama daw magsinungaling eh :p

Di nga pala ako nakapasok ng school kasi late na ako nagising, mga 8:00 na, nakakahiya naman kung papasok pa ako nun, nakakainis pa naman ang feeling na pagtitinginan ka ng mga kaklase mo na parang kriminal ka! Hayst! -_-

So hindi na nga ako pumasok which is super boring! Wala ako magawa sa bahay. Nasira computer namin dahil sa kapatid ko si Khash, yun lang pati ang libanggan ko. Well matalino yung batang yun naabot ba naman ang computer with his height na below bewang ko lang, he is 2 years old actually.

May pagkamalikot kasi yun eh, kaya siguro Khash ang pangalan niya which si like crashing things gets niyo ba? Hayst bagay nga sa kanya yung pangalan na yun. Pero kahit ganun siya love na love ko yun at magpasalamat siya cute siya nagmana lang saakin hahahaha.

~•~

Nandito kami ngayon kumakain which is ang tahimik pero nagsalita na din ang mama niya.

"Nasaan na yung dalwang maganda?" Pagtatanong ng mama ni Liit. Sila Gela tinutukoy niya, napuri pa sila! Hahahaha.

"Sino ma maganda? Wala naman nagpunta na maganda eh, ako lang" sabi ni Liit at tumawa, may hangin din pala sa kantawan itong babaeng toh tsk tsk.

"Ikaw talagang bata ka ang hangin mo nanaman!" Pagbibiro ng mama ni Aneya.

"Iho ano nga pangalan mo?" Biglang tanong ni tita which is nagulat ako pero unti lang. Di ko naman alam na kakausapin pala ako.

"Ahh.. Cyriel po, Cyriel Tim Tarffey" sabi ko at ngumiti.

"Ahh.. ang cute naman ng pangalan mo.. balak mo bang ligawan anak ko? Kung meron bawal muna kasi matapos muna siya magaral, pero bet ki--" naputol ang sasabihin ni tita ng biglang nagsalita si liit.

"Ma! Ilang beses ko bang sasabihin hindi siya manliligaw! Classmate ko lang po talaga siya and friend, nothing else." Pagtatapos niya. Hay salamat nagsalita siya, nahihiya na talaga ako dito.

Nung natapos na akong kumain bigla akong tiningnan ni Aneya which para siyang may pinaplano.

"Sige ma! Mauwi na daw siya. May gagawin pa kasi ito eh. Diba?" At humarap siya saakin sabay kindat.

"Ahh.. opo" bigla ko namang sabi at bigla niya naman ako hinawakan sa kamay at mabilis na hinihila palabas. At ito naman ako na nakatingin sa magkahawak naming kamay na kinaiilang ko, ano ba tong nararamdaman ko.

"Ahh sige ingat! Ihatid mo siya ha! Pagnawala yan ikaw maghanap!" Pahabol ni tita na dahilan para tumawa ako ng kunti.

So nakalabas na kami at tumigil sa labas ng gate nila.

"Hay buti nalang nakaisip ako kaagad ng palusot." She said in relief ng hindi parin binibitawan ang kamay ko. So before it gets awkward nagsalita na ako.

"Oy bitaw na! Feel na feel mo ata hawakan ang kamay ko eh!" sa sinabi ko agad agad niya naman binitawan ang kamay ko.

"Ewan ko sayo! Sige umuwi ka na! Chupe!" At tinulak tulak niya ako paalis.

"Hoy hatid mo daw baga ako!" Pagpapaalala ko. Ang sarap mangasar eh, pati may kasalanan pa siya saakin, ang sakit kaya ng gawa niya!

"Aba ano ka? Princesa kailangan ihatid sa palasyo? Bahala ka sa buhay mo! Magsolo ka!" Sabi niya at tumalikod na saakin para pumasok sa bahay niya pero bago siya makapasok nagsalita ako.

"Hoy teka teka! Ang sungit mo nanaman. May kasalanan ka pa nga o! Tingnan mo ginawa mo sa noo ko!" Sabi ko sabay turo ng bukol sa noo ko.

Tiningnan niya naman ito at lumapit sa muka ko, dahil sa nakakailang na siya binatukan ko na. Ang pilosopo talaga nitong babaeng toh! -_-

"Anong problema mo?! Sabi mo tingnan ko? Bakit ka nangbatok?!" Inis niyang sigaw sa harap ko.

"Tama nga mama mo ang baliw mo talaga! O siya alis na ako, basta jacket ko dalhin mo bukas! Pag nawala mo yun lagot ka saakin." Sabi ko at naglalakad na paalis sayang lang oras ko sa kanya, magaaway lang kami ulit kung hindi pa ako susuko hayst. Pero habang naglalakad naman ako bigla nalang siya sumulpot.

"Oy sorry nga pala ulit." Sabi niya habang hinihila ang dulo ng damit ko, parang batang namamalimos XD nakakatawa lang.

"Okay na. Apology accepted! Bumalik ka na dun, babae ka pa naman. Nagjojoke lang din ako kanina." Sabi ko nalang ng nakangiti and she smiled back.

"Uy dito na tayo maghintay ng taxi para hindi ka na maglayo masyado sa bahay niyo." sabi ko at pinatigil siya sa paglalakad.

Sumunod naman siya, so dun na nga kami nag hintay. Habang wala pa namang dumadaan nagkwentuhan muna kami which is yung normal, yung walang awayan, nagtatawanan pa nga kami. Masarap naman din siya kasama eh, may pagkamadaldal din. Hanggang sa naka hanap na ako ng taxi at nagpaalam na sa kanya.

~☆★☆~

"Ma! I'm home!" Pagsigaw ko at sinara na ang pintuan. Pero walang sumagot nanatiling tahimik. Nasaan kaya yun?

Naglakad muna ako papuntang kusina para uminom ng biglang sumulpot si Khash. Nakalabas nanaman ng kwarto, ang talino talaga nitong batang toh.

Nasaan ba ang babysitter nito at hindi man lang binantayan. Hay baka busy lang so binuhat ko na nga si Khash baka kung saan ito pumunta at makabasag, mahilig pa naman ito magexplore na wala sa oras.

"Khash where's mom?" Pagtatanong ko dito para malibang naman ako. Nakakapagsalita na ito pero hindi pa masyado naiintindihan, yung iba lang. Sosyal pati siya english speaking.

Naalala ko tuloy yung pinapasabi ko sa kanya ang full name ko, ok na yung pagbigkas niya sa una kong pangalan pero pagdating sa apilyedo natawa naman ako. Dahil imbis "Tarffey" ang sabihin "Tarsier" ba naman ang sinabi, grabe ang layo. Iimagine niyo naman na maging full name ko Cyriel Tim Tarsier! Ang sama diba! -_-

"Mami sttair (mommy is there)" sabay turo niya sa taas. So ayun na nga umakyat na ako para pumunta sa kwarto ni Ma pero wala naman siya dun.

Ang baliw ko talaga bata pa talaga ang nag uto saakin hayst pasalamat siya cute siya!



"Wala si ma nag alis mabiling pagkain." sa narinig kong boses hindi ako nakagalaw. Yang boses na kinatatakutan ko nung bata pa ako. Kailan pa siya bumalik? Yan ang bumagabag sa isip ko.

Humarap ako sa kanya at ganun parin siya cold as an ice. Nakacross arms siya at nakasandal sa pader with a bored expression at lumapit saakin.


"How are you Brother?" Emphasised the word brother with he's death glare.

Yeah your right his my brother, the oldest one. But seeing him now make me mad and flashback everything that happend... the suffer I've been through because of him....

~~▪▪▪~~

I will update soon I promise :*

THE UNEXPECTED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon