Hayyy..... ang tagal ko ng hindi nakakaupdate, sorry po sa mga naghihintay pero para naman sa mga hindi nag hintay okay lang sanay naman akomg iniiwan XD hugot! wahahaha.Naging busy kasi ako whole time dahil sa mga project and exams ang dami din pinapagawa so ayun wala update wahahaha. Pero ngayon meron na! Sana magustuhan nyo parin ^_^
Advance Merry Christmas to all and a Happy New Year!!!!
~~♥♥~~
Napansin ko ngayon na absent si Minion, ano kaya nangyari don? Babalik ko pa naman itong jacket niya sa kanya eh. Di bale may bukas pa naman.
Nandito ako ngayon sa classroom first subject namin ngayon ay English. Bagong teacher ang kaharap namin, Ma'am Christle ang pangalan nakakainis ang higpit niya masyado nakakatakot magalit.
May mga patakaran siya na kailangan talaga namin sundin.
1. Don't be late
2. Don't talk unless nessesary
3. Speak in englishWell ang mahirap saakin ay yung pangatlo, weekness ko ang english noh! Unti lang ako magenglish hindi ko kaya mag english ng tuloy tuloy hayst kaya nandito ako ngayon tahimik kasi may kasabihan less talk less mistake.
Sana pala hindi nalang umalis yung dati naming english teacher si Mam Reyes mas mabait pa yun pero ang boring magturo so ang naging resulta walang nakikinig sa kanya at hindi siya nirerespeto ng mga kaklase ko.
"Andrew what did I just tell you don't talk unless nessesary?! that is one of my rules!" biglang sigaw ni ma'am with matching dead eyes.
Lahat kami napatigil sa mga gingawa namin dahil sa pagsigaw ni ma'am. Halos napatalon nga ako sa gulat eh naiimagine niyo ba yun? matatawa kayo for sure haystt...
Yan yung sinasabi kong pagiging mahigpit ni ma'am di ka makakapalag halos lahat naman kami takot.
Well di na ako magugulat na ma speacial mention yan si Andrew, kasi naman ang daldal niyan masyado parang mamamatay siya kinabukasan pag di siya nagsalita. Kahit last year lagi napapagalitan hayst...
"Andrew meet me at my office after recess!"
"Yes ma'am" sabi naman ni Andrew na nakayuko. Naaawa nga ako sa kanya eh...
》》》
"Uy nakopya mo ba yung assignment sa math?" Tanong ko kay Kean na as usuall mabilis na nagaayos ng gamit, lagi ata ito may lakad eh.
"Yeah, here" inabot niya saakin at mabilis na umaalis.
"Teka paano ka makakagawa ng assignment kung na saakin notebook mo?" Pahabol kong sabi sa kanya.
"No worries I already finish it, just return it tomorrow." Sabi niya at lumabas na ng classroom.
Grabe tapos niya na agad yung assignment?! Sipag niya ah! Nakakalito pa naman yung ibang problems, well nalimutan ko nga pala matalino siya.
Nagsimula na akong magkopya ng assignment infairness ganda ng sulat niya talo ako... madalas nakikita ko kasi ang sulat ng lalaki pang grade 2 pero ito pang college astig! Wahaha
"Hey do you need help?" Sabi ni KZ na malaki ang ngiti. Hayst yang ngiting yan dahil kay Kralc nanaman toh.
"Sure ka matutulungan mo ako?"
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVE STORY
RandomSiya nga pala si Aneya Cath Quizon, 16 years old. Simple ang kanyang buhay, hindi mayaman pero di din naman mahirap. Siya ay masayahin, palaban, mabait, at tama lang ang kanyang ganda. Isa siyang babae na takot magmahal at hindi naniniwala sa Foreve...