Teaser

15.5K 345 9
                                    

"Don't take me for a fool, Hermosa!" bulyaw ni Leon. Halos naglabasan ang mga ugat sa mga kamay sa higpit na pagkakakuyom niyon.

"Wag mo akong sigawan!"napatayo na rin siya. Ito pa ang may ganang magalit samantalang halos ikamatay niya na isipin niya pa lang kanina na hinahalikan at nilalandi ito ni Lizbeth?

"Pamamahay ko ito. Sisigaw ako kung kailan ko gusto!"

"Hindi ako nililigawan ni Daniel. At wag mong itapon sakin ang gawain mo. Hindi ko ugaling mamangka sa dalawang ilog!"

Mas naging mabalasik ang mukha ni Leon. Namula ang mukha nito sa pigil na galit. "Linawin mo ang sinasabi mo!"

Kahit papaano ay kinabahan siya. Nanginginig ang tuhod na napaupo siyang muli sa gilid ng kama. "B-Bakit hindi na lang si Lizbeth ang pakasalan mo? Siya na lang ang ipalit mo sa pwesto ko."

"For Christ's Sake, Hermosa!" angil ni Leon sa pagitan ng nangangalit na mga ngipin. "Ano'ng akala mo sa kasal ko - binyagan na puwede ang proxy? Kung si Lizbeth ang gusto kong pakasalan matagal na dapat, Hermosa. Matagal na dapat!"

Without You : Key to Leon's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon