Chapter 32

30 3 1
                                    

~~ ZYRILLE's



"Zyrille?" napadilat ako nang tawagin NIYA ako.


Tiningnan ko siya... Wala na sa tabi niya si Elle. Panaginip lang kaya yung kanina? Pero, ugh. Panaginip? BAKIT MASAKIT PARIN? </3 TT___TT

"Zyrille, may problema ba?" Nag aalala niyang tanong.

I tried to smile, "S-Si Elle ba yung kasama mo kanina?" Wow ha? Nagawa ko pang itanong yan. Tsk.

Ngumiti din siya. Yung ngiti na totoo? Shettt. Bakit imbes na kiligin ako, nasasaktan padin ako?

"Yup." Lumapit siya saakin. Lalong lumawak ang mga ngiti niya... Gusto kong iwasan ang mga ngiti niya na sobrang nagpapasakit sa damdamin ko, pero... di ko magawa...

"Oh, sinagot ka naman na ba?" Deretso ko pang tanong.. Intented as a joke.

.

.

.

.

SANA. </3

Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko, at saka sinabing, "Finally... Sinagot niya na din ako." Napakasaya niyang sabi.

Ang tanga tanga mo, Zyrille. Bakit mo pa tinanong yun? Huh. Anong napala mo? Dagdag kutsilyong isasaksak sa puso mo? Magaling. 100 points para sa katangahan mo.

Nginitian ko siya kahit napakasakit na. Kahit naiiyak na ko. Kahit gusto ko ng tumakbo palayo sakanya... Pero, di ko na naman nagawa. Tamang hinala talaga ako nuh? Akala ko, di totoo yung mga rumors na nililigawan niya si Elle, akala ko, tsismis lang.. Akala ko, may pag asa ako... AKALA KO LANG PALA TALAGA LAHAT.

"W-Well. C-Congrats kung g-ganun. hehe" Huminga ako ng malalim para hindi ako maiyak. "K-Kelan pa?" 

"Kahapon lang." Nakangiti padin niyang sabi.

Kaya ba ako nasasaktan sa mga ngiti na binibigay niya dahil sa yung mga ngiti na yun, yun yung mga ngiti na gusto ko araw araw ko nakikita. Mga ngiti na gusto ko ako lang ang dahilan. Mga ngiti na sobrang saya at espesyal ng ibig sabihin. Mga ngiti na sana sakin inaalay... At mga ngiti na kahit kailan hindi ako ang magiging dahilan...

Yumuko ako at nilaro laro ko yung daliri ko sa kaliwang kamay ko. Ang hirap pigilan ng pesteng luha na'to. Ang hirap pigilan ng sakit... Ang hirap pigilan ng nararamdaman. Huuu! HIRAP!

"Hey, umiiyak ka ba?" bigla niya nalang tanong.

Naalerto naman ako bigla kaya, tumalikod agad ako sakanya. "ha? H-Hindi no. K-Kulang lang kasi a-ako sa t-tulog. T-tama sa tulog. Hehe..." Agad kong pinunasan yung luha ko. "Wag mo na akong alalahanin.. Ayos lang ako..." Sabi ko pa sabay takbo.

Ayos lang ako... Ayos lang ako... Sana maramdaman mo na hindi ako ayos.

Tumakbo lang ako nang tumakbo, di ko alam kung saan ako papunta, basta ang gusto ko lang, makalayo sakanya...

Akala ko magiging maganda ang araw ko, napakasakit lang pala.

Ang sakit mahuli... Ang sakit pag may iba ng mahal ang taong matagal mo ng minamahal. Ang sakit.

Huminto ako sa pagtakbo, Saka ako umiyak ng umiyak... Napaupo na ako sa kakaiyak. Nanghihina ako. Sobrang sakit. Sobrang nakakapagod...

Hindi sakin okay ang lahat. Paanong magiging okay diba? Mahirap para sakin.. Mahirap, 

"Here..." Napatingin ako sa nag abot ng panyo... "Psh. Di daw umiiyak." saka niya ako itinayo.

"B-bakit mo ako sinundan? Malelate ka sa klase natin..." Sabi ko sabay pahid ng luha.

When her 'Pusong Bato' broke.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon