Chapter 35

8 1 0
                                    

~~Vince's

ISANG LINGGO.

Isang linggo na akong goodvibes. Hahahaha. Hindi naman ako nabigong pikunin si Razz. Gustong gusto ko talagang makita siyang mapikon, sign kasi yon na talo siya. Ang galing ko talaga!

Nakakapagpraktis naman kami, I mean, nakakapagrehearsal. Tumawag naman si Sir, wag naman daw masyadong biglain o ipressure yung member so, anong magagawa ko? Edi, sinunod ko. May pinipressure ba ko? Wala naman e.

Tsaka, kung may gusto man akong ipressure, isang tao lang yon, 'no. Teka nga, nasaan na ba yung babaeng yon?

"Luke, nakita mo ba si Razz?" Tanong ko ng makasalubong ko yung isang trainee namin.

"Ha? Nasa may likod ata, may kausap." sagot lang niya.

Tinanguan ko lang siya at saka umalis na. 

Ano kayang ginagawa ng babaeng yon sa likod? May kasama kaya yon? Malamang wala! Loner yun e. Hahahaha. Kawawa naman. 

Medyo iwas parin yung iba sakanya, pero may kinakausap naman na siya at may kumakausap sakanya. Kaya lang mas nangingibabaw parin talaga yung pagkasuplada niya, katulad kahapon, grabe na naman bangayan nila ni Celine -_-

"Kung hindi mo kayang sundin yung instruction sa'yo ni Vince, ano pang silbi na nandito ka?!" Sigaw ni Celine kay Razz.

Nasa scene kasi kami na sasampalin siya ni Celine, pero imbes na magpasampal si Razz, hinaharang niya ito.

Nasa may dalampasigan kami, nakapabilog  nakaupo kaming lahat, tanging sina Celine at Razz lang ang nakatayo sa gitna.

"Why don't we exchange our roles? I'd rather slap you than being slapped by you." She smirked.

Isang sampal lang naman Razz makikipagpalit ka na ng role? -_- Paano na sa susunod? Eh, ang role mo nga dito ay bida at kelangan magmukha kang kaawa awa. 

"Oh? Mas gusto mo kong sampalin? Isn't it amazing? I also wanna slap you."Nakangiti namang sabi ni Celine.

"Wanna do it now? Cause this hand,"Tinaas niya yung kamay niya, "is really excited to touch your freaking damn face, so hard." Panghahanom naman ni Razz.

Namula sa inis si Celine, may sasabihin pa sana siya kaya lang pumagitna na ako,

"Okay let's end here. Go back to your rooms." Sabi ko. Hindi pa nagsinunod nung una pero nung pinandilatan ko na sila, saka sila sumunod lahat. 

Tiningnan ko naman yung dalawang babae na nakatayo parin at nagtitimbangan ng tingin. 

I 'tsk'ed. "Go back, and rest."

Napatigil ako sa paglalakad, dahil sa narinig ko na ang boses ni Razz.

"Tumigil ka nga, Tads!" rinig kong sabi niya.

Napasilip ako, si Razz nga. Nakaharap siya sa iphone niya... Aba aba, at KAUSAP PA TALAGA NIYA SI TADEO?! Nagawa pa niyang makipagSkype?! Pagkatapos niya akong hindi sundin? Makikipagskype lang siya? At si Tadeo pa talaga? 

YUNG TADEO'NG MOKONG TALAGA NAYON?! DESIDIDO BA SIYA KAY RAZZ?!

Napahawak ako sa dibdib ko, no, let me rephrase it, napahawak ako sa MATIPUNO kong dibdib, ang bilis ng tibok. Kelan pa nagkasya ang kabayo dito? Bakit ang bilis? Napahawak din ako sa ulo ko, may sakit ba ko? Kinatok katok ko ang ulo ko, NASISIRAAN NA ATA AKO!

When her 'Pusong Bato' broke.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon