Chapter 37

30 1 0
                                    

Hi. The remaining chapters will be focused to Razz and Vince :) Pero may mga mababanggit parin naman about sa kwento ng dalawang kaibigan ni Razz. Im thinking kung gagawa ako ng side story, for them. Thankyou for understanding!

Eto na po, :*

~~ Razz's

Present...

Masasabi ko talagang marami na ang nagbago saakin. Marunong na akong makinig. Marunong na akong magsalita ng mahaba.

Tanggap ko na rin ang nasa paligid.

Pero damn! Isang linggo akong naglinis ng bahay! Take note buong bahay! Aso talaga yung siraulo na yun e. Lakas makapag utos dapat siya gumagawa ng mga 'yon e!

Katatapos lang ng rehearsal namin. Ito na ang pangatlong linggo namin dito sa Tagaytay.

Naiimbyerna ako! Pinapainit talaga ng Celine na 'yon ang ulo ko. Idagdag pa yung pesteng asong yun!

Pero speaking of pesteng aso, hindi na niya ako masyadong inaasar o binibwisit. Minsan, nakikita ko siyang nakatingin sakin pero pag nakatingin na ako sakanya umiiwas siya ng tingin.

Weird.

Umupo ako sa may buhanginan. Alas sinco na ng hapon. Nagpapahinga na yung mga kasama ko, umalis muna ako dun.

Madalas din kung tumawag si Tads sakin. Mas madalas pa nga kesa dun sa mga kaibigan kong babae!

Bulgaran din naman talaga si Tads kung magsabi ng nararamdaman niya para saakin. At ganon din ko sakanya. Dont get me wrong. Nakikita ko lang kasi si Tads as a guy friend. Hindi na hihigit pa don.

Naramdaman kong may tumabi sa gilid ko, nang tingnan ko iyon. Automatikong napataas ang kilay ko.

At anong ginagawa ng asong to dito?!

"Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ko sakanya.

"Relax." ngumiti siya saakin pero binalik niya ang tingin niya sa dagat.

Ilang minuto na ang lumilipas, hindi parin siya nagsasalita. May problema ba 'to? Pwes, aalis na ko! Tatayo na sana ako.

"Please, stay." sabi niya pero nakatingin parin sa dagat.

"Kung ano man ang binabalak---"

"Ang ganda ng dagat no?" nagulat ako sa sinabi niya.

Bakit ba ang seryoso nito?!

"Ang kalma kalma lang niya. Pero, delikado." nakita ko siya ngumisi.

Umupo ako ng maayos.

"Kahit na gaano pa kaganda nung view, may pangit parin na parte dito. Kaya ang nabubulag tayo sa ganda nito." tumingin siya saakin. Hindi ko alam kung bakit nang magtama ang paningin namin ay bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hindi naman talaga tayo nabubulag nito. It depends. Kung saan natin gustong tumingin. Sa maganda ba? O sa hindi."

Hindi ko napigilan na magsalita. Kahit naiinis ako sa asong katabi ko, parang okay lang naman na kahit papaano ay makausap siya.

Naalala ko yung bestfriend ko. Tiningnan ko parin siya sa kung ano yung magandang nakikita ko sakanya. Hindi ko tiningnan yung pangit.

Si Mommy, kahit na siya ang ina ko, pangit parin ang lagi kong nakikita sakanya.

Kaya nakadepende yon sa kung paano natin sila titingnan.

"Tama ka. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kahit ano ang gawin ko, mali parin ang nagiging desisyon ko." malungkot niyang sabi.

When her 'Pusong Bato' broke.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon