Chapter 14

27 4 0
                                    

Kinabukasan...

Maaga akong gumising.. Araw kasi ngayon ng kamatayan ni daddy. Kahit naman ganun yun, I mean kahit naman masakit ang nangyare nun, mahal ko padin ang daddy ko. *//\\*

Diba sabi ko, daddy's girl ako? Totoo po yun.. Kaso, biglang nawala.. Siguro ganun talaga noh? Kung sino yung iniidolo mo, siya pa ang sisira sayo. -__- Drama ko na.

Hinanda ko na yung labidoo ko. Dinala ko na lahat ng kailangan at saka umalis...

Maya maya'y nakarating nadin ako. Nilatag ko yung maliit na sapin sa harap ng puntod ni dad.. Saka ko nilapag yung mga dala ko.

"Fvck you dad." Sabi ko, saka tumawa.

He died, 3 years ago. Pero, ang hindi ko matanggap, eh yung katotohanan na namatay siya kasama ang kabit niya. saklap noh?

Syempre, nagalit ako... Wala akong magawa, kundi umiyak at sumigaw... Kahit si mommy... Nakatahimik lang. Di ko alam kung ano ang iniisip niya. Di ko alam kung alam na ba niya yun matagal na... Di ko alam kung mabilis niyang tinanggap yun.. DAHIL MATAPOS MANGYARE LAHAT NG YUN... NAWALAN NA KO NG PAMIYA. 

WALA NA. YUNG NANAY NA AKALA KO MAG TUTULOY SA PAG AARUGA SAKIN, INIWAN DIN AKO. PINABAYAAN AKO SA SARILI KO.. Darn it. 14 LANG AKO NUN!

"Its been 3 years dad.. Bakit ansakit padin? Bakit feeling ko, hindi ako pinapalaya ng sakit na ginawa mo.." Tumingin ako sa langit. Tingin ko kasi, anomang oras... Babagsak ang luha ko. "Sabi mo, Every princess has their happy ending. SHT LANG DAD! Bakit mo sakin pinaranas maging prinsesa, kung hindi naman talaga.Minsan naiisip ko, sana hindi mo nalang ako pinaniwala sa fairytales.. Sobrang sakit kasi eh..."

Pinilit kong wag umiyak pero, di ko mapigilan.. Taon taon...Sabi ko di ako iiyak.. Pero bakit hindi ko kaya? Ganyan ba kita kamahal dad? Na kahit nasasaktan na ako,. di kita magawang kalimutan?

Ang masokista ko din eh no? Sinasaktan ko pa ang sarili ko? Eh pwede naman akong wag nalang pumunta dito. Hah. Hanep. Totoo ba yung kasabihan na pag sinanay mo ang sarili mo sa sakit, magiging manhid ka? Kelan ba mangyayare sakin yun?!

"Ang siraulo mo kasi dad. Kaya ka maagang kinuha." pinunasan ko ang mga luhang tumutulo.

"Seriously dad. Bakit mo nagawa yun? Bakit mo nagawang lokohin kami? Heck."

Natawa nalang ako kahit umiiyak. Ilang beses ko na bang natanong yan, twing pupunta ako dito?

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko. Ayos lang na umiyak ako ngayon, wala namang makakakita eh. Pagkatapos nito, balik ako sa dating cold na tao.

Bakit ganun? Kahit na ibahin ko na ang iniisip ko, sumisingit padin yung scenario 3 years ago.

"Hah. Kung buhay ka pa dad? Ipaparamdam ko sayo lahat.. Lahat ng sakit!"

At tuluyan na nga akong napahagulgol.

Ang sakit.

Napatigil ako ng may kumaluskos... Tumingin ako sa likuran... Pero wala namang tao...

~Trav's

Hilig ko talaga ang magmanage ng isang business, at natuwa ako ng binigyan ako nila dad ng isang bar.

At nandito kami ngayon kasama ang di nagtagumpay sa oh-so-wonderful-plan niya. Ahahaha.

Busangot ang mukha.. Ikaw ba naman ang mag assume? Sakit diba? sige! Ifeel niyo lang si Vince. Haha!

"Suko ka na ?" Nakangisi kong tanong.

"Ako?! Si Vince? Susuko?! No way!" Mayabang niyang sagot.

When her 'Pusong Bato' broke.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon