Chapter 21

47 3 3
                                    

--RAZZ's

Dalawang araw na. Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko na nagresearch si Vince about sa buhay ko.

Wala naman akong pake dun eh, ang saakin lang di niya dapat ginawa yun dahil wala siyang mapapala.

Isa pa, nabubwiset na talaga ako sa Vincevil nayun! Nakakapuno na siya. Di ko alam kung bakit niya kailangan gawin yun.

>FLASHBACK

"How did you know?" Malamig kong tanong.

Binigyan ko siya ng isang malamig na tingin. Wala akong pake, basta malaman ko lang kung paano at bakit.

"What?" Tanong niya.

"How did you effin' know about my title back then?!" Sigaw ko.

Naiinis na talaga ako sa lalaking 'to.  Nagiging pakialamero.

"Relax... I just.... I just researched...." sagot niya.

Di siya makatingin sakin ng deretso. Dapat lang na matakot siya.

"Why?" --

"Ha? Anong why?" -Vince

"Bakit ka nagresearch? Bakit mo yun ginawa? Ano pang nalaman mo ?!" Sunod sunod kong tanong.

Napaatras siya.

"Woah. Wala lang. Wala kasi akong magawa kaya... kaya nagresearch ako about sayo.... Tama, yun lang yun." Tuloy tuloy niyang sagot.

"Wag mo na ulit gagawin yun." Isang malamig na salitang lumabas saakin.

"Bakit? Mamamatay tao ka ba?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

Pero saglit lang ang pagkagulat ko. I do managed to be cool.

"JUST. DON'T." Saka ako umalis.

END FLASHBACK <

Nakakainis lang isipin na alam niya yung ibang detalye sa buhay ko. I doubt it, if it is all true.

Nandito ako ngayon sa cafeteria.

Napabuntong hininga ako, isa pa sa ikinaiinis ko ay ang hindi pagkausap saakin nila Naomi. Nakakabadtrip na ah.

Sa sobrang gigil ko, yung pagkain ko ang napagbuntunan ko. Nasa dulo ako ng mga table. Sila Zyrille naman nasa may unahan.

Sabay silang kumakain ng Bee niya. Tahimik lang sila. Kung ganito naman pala ang mangyayare, edi sana di nalang ako tumanggap ng kaibigan. Hanep pala.

5 minutes....

.

.

.

.

.

15 minutes ....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

30 minutes

.

.

.

At dahil naiinis  na talaga ako. Tumayo na ako at pinuntahan sila sa table nila. Pilit sila ng pilit na maging kaibigan ako tapos ngayon?! Wow! Bahala na!

When her 'Pusong Bato' broke.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon