Chapter 10

42 5 0
                                    

Pumasok ako sa room. ganun parin, Maingay. But, I dont give a damn. Dumeretso ako sa upuan ko. Nadatnan ko dun sina Zyrille at Naomi kasama yung dalawang magbromance. Nagkukwentuhan sila.

Napatingin sila saakin tapos nagkwentuhan ulit. Umupo na'ko. Tae, anlakas ng mga boses. Lalo nayung Vince evil na yun.

Sinuot ko yung headphone ko. wala pa naman yung teacher eh.

Pumikit ako. Kesa naman makita ko yung mga asungot. Pero sadyang bwiset talaga ang nilalang sa likod ko dahil tinanggal niya yung headphone ko at...

"PUSONG BATO" Sigaw niya sa tenga ko.

"WHAT THE FVCK IS YOUR PROBLEM?!" Inis kong tanong.

Natahimik ang lahat. AS IN LAHAT. Natingin sila sakin.

ANO BANG PROBLEMA NG MGA TAO NGAYON?! NAKAKAYAMOT NA AH! BWISET.

Di ako pinansin ni Vince nagsalita lang ulit siya. Nakakaasar na talaga siya!

"Kaya ayun, Tanggal na sa club namin yung lalaki." -Vince

"Reaal  Vince? Ah. Siya siguro yung usap usapan kanina pa na napahiya daw sa Ground?" Sagot naman ni Zyrille

Bakit ba nakikisali 'tong babaeng ito?! Eh di naman niya alam yung nangyare. Tsk.

"Yeah. Sayang, isa kaya si Rusty sa magaling umarte sa club." Malungkot na sabi ni Vince

"Kung magaling naman pala, bakit mo tinanggal? Sira ka pala eh." Asar kong tanong.

Pero bwiset talaga, di na naman niya ko pinansin at patuloy na nagsalita.

"Di ko nga alam kung bakit may mga taong nabubuhay na maarte. Tss. nag iinarte di naman kagandahan. Kung sana hot siya. Eh, konti lang naman. Ang arte , siya na nga ang tutulungan."

Napabungisngis si Zyrille. Tiningnan ko siya ng masama kaya natahimik siya.

"Kung di kaba naman kasi tanga, sana di  mo nalang yun agawa. O kaya di mo nalang siya binigyan ng challenge, hindi yung ngayon eh, maninisi ka at mananabi ng maarte sa namahiya." Singit ko.

Dedma na naman ako.

"Alam niyo ba na isinagot saakin nung babaeng maarte nayun eh. wala daw siyang pakialam? Ang tigas ng puso hano?" Patuloy niyang sabi. Sumang ayon naman yung iba. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Baka naman kasi ayaw lang talaga niya ng papansin at pakialamero. Kaya naman kasi niya yung sarili niya atsaka di niya kailangan ng ibang tao para tulungan siya. ibig sabihin nun di talaga siya maarte tulad ng iba mong sinasabi." Napatingin ako sa nagsalita. Si Trav. And to my surprise, kinindatan niya ako. I just rolled my eyes.

"at hindi naman siguro kasalanan ng babae na yun na natanggal yung Rusty sa club kasi in the first place naging part lang si girl ng challenge. Di naman na nag effort si boy, natakot siguro. HAHAHA. Wala eh, siya ang may kasalanan sa nangyare sakanya." Nginitian ako ni Naomi.

Ngayon lang ulit may nagtanggol saakin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kahit na alam kong nang aasar lang yung mga tao sa paligid ko, wala akong magawa? Feeling ko ayaw nila akong pakinggan.. Pero dahil kay Trav at Naomi... Feeling ko okay lang, kasi nandyan sila.. Haist ewan ko ba!

At isa sa hindi ko inaasahan ay ang.... PAGNGITI ko...

-----

~NAOMI's

Hindi maalis sa isipan ko yung nakita ko kanina.. Totoo ba yun? Nakakatuwa.. Nararamdaman ko ngayon yung saya na naramdaman noon ni bee nung nakita niyang...Ngimiti si Razz.

When her 'Pusong Bato' broke.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon