Chapter 22

44 4 1
                                    

~~TRAV's

Wow. Grabeng Vince yun! Iniwan ako?! Pakshet. Akala ko pa naman, kami ang magpartners, tapos biglang lilipat? Paano na yan?! Sino magiging partner ko?

Bwiset! Sana sinabi niya agad sakin. Para nakahanap ako agad. Sino ba naman kasi ang makakaresist ng kagwapuhan ko? Hahahaha.

Sana sinabi niyang gusto niyang makapartner si Razz madali lang naman akong kausap no.

Nakakaasar din yang Understanding oneself, Dapat bang pinag aaralan kung paano iintindihin ang isang tao? Di ba nasasa-tao naman yun. Aish.

Humanda talaga yung Vince na yun saakin. Pagkayari kasi kamin idismissed ni mam, umalis na din siya.

Grabe yung dalawang yun. Ayaw paawat. Mga isip talaga. Si Razz. Makakatagal kaya sila sa isa't isa?

Whatever. Ang kailangan ko ngayon ay kapartner. Ayoko nga ng mag isa. Ano yun, role play MAG ISA?!

Hinanap ko na si Vince, nasaan na ba yung Lokong yun. Tsk. Tiningnan ko sa Cafeteria, Wala naman. Ah! Baka nasa Gym.

Hindi naman ako nagkamali. Nandoon nga ang loko.

Nagsushoot siya ng bola. Naks! 3 points! No wonder, kaya siya ang naging Captain ng team niya.

Bata palang si Vince, mahilig na talaga siya maglaro ng baskerball, mana kay tito. Kahit na mama's boy siya, di naman papahuli.

"Tol!" Sigaw ko.

Nilingon niya ako. "Oh, Trav. Bakit?"

"Hanep ka. Bakit di mo naman sinabi na gusto mong makapartner si Razz? Sana nakahanap ako ng makakapartner. " Angil ko sakanya.

"Correction, di ko siya gustong makapartner. Sadyang may plano lang talaga ako. At perfect itong opportunity na to." Nakangisi niyang tanong.

"Pagrupo nalang sa inyo." Sabi ko.

"Hindi, maghanap ka ng iba! Wag mong sisirain ang plano ko!" Sigaw niya.

"Sus." Ngumisi ako. "May plano ka ba talaga? o gusto mo lang makascore? HAHAHAHAHAHA -- AWW!" Napahawak ako sa tuhod ko.

Aba! Binato ba naman ako ng bola at tumama ba sa tuhod ko?!  Siraulo talaga. Tsk.

"Shut up." Vince

Napailing nalang ako. Minsan di ko maintindihan kung ano ba ang trip ng isang to. Basta ang alam ko lang sa ngayon, TYPE NIYA SI RAZZ. Psssssssssssssh. Secret lang ah?

****

"Ayos na, nasabi ko na sila na may meeting tayo bukas." Sabi ko kay Vince.

May meeting ang theater cclub, para sa national competition ng theatro.

"Good." Sagot lang niya.

"Oo nga pala, Vince, Pagrupo nalang sainyo. Wala pa talaga akong makagrupo eh  Pwede naman daw na tatlo sabi ni mam." sabi ko kay Vince.

"Tae. Para ka namang bakla, Trav. Maghanap ka nalang ng iba. Wag lang saakin!" inis na sabi no Vince.

ABA! Sino bakla?! Sasagutin ko sana ng may tawagin siya.

"Zyrille!" Sigaw niya.

"Oh, Vince." --

Natigilan ako. Zyrille?

Nilingon ko siya. Nakangiti siya.

"Sino partner mo sa UO?" - V

"Si Naomi, bakit?" --

When her 'Pusong Bato' broke.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon