Chapter 5

43 4 0
                                    

Pwew. Buti nalang talaga at nakapasa ako sa quiz. Haist. Nakakaimbyerna kasi. Bwiset. Tsk.

And as usual, Hindi ko pinansin yung dalawa. Tsk.

Uuwi nalang ako. Pumunta nako sa may parking. Dun kasi nakapark yung labiduds ko, tss. Syempre parking nga diba? .. Agad kong nilapitan ang motor ko.

Isa kasi sa RnRs (rules and regulations) ng SCC ay walang proper uniform, that's why Im free to ride using my motor. May lisensya napo ako.  Actually, 14 palang ako meron na.

I love bikes, as in Motor. Bata palang ako, tinuruan nako ni daddy. Kaya nung nag14 ako, yun ang niregalo niya sakin.. though, nasa testimony nalang. Pero diba, okay nadin yun? Patay na kasi siya nung nagbirthday ako.

Oh, wait. Nagrereminisce na naman ako eh. Tsk.

pinaandar ko na yung motor ko at huminto sa may park. Bumaba ako sa pagkakaangkas at naglakad.

Ano ba ang gusto ko? Syempre, yung kumpleto at masayang pamilya. Yung totoong tao na magiging kaibigan. Yung di ka iiwan. Yun lang naman eh, bakit pinagkait pa? Tskk.

Tumigil ako sa malaking puno ng acacia. Umupo ako, sumandal at pumikit. Nakakapagod mag isip, pwede bang time out muna?

****

"Ikaw na gumising...."

"Ayoko, bee.. Ikaw na..."

"Eh, paano kung galit satin yan? Edi napahamak ako?"

"So, ako ifofront mo? Bee naman ehh."

Nagising ako dahil sa mga boses na super pamilyar sakin.

"Luh. Bee, gising na siya. Nagising ata natin."

Dumilat ako. And to my not so surprise. Si Zyrille at Naomi.

"What do you want?" Mataray kong sabi.

Umupo ako, mula sa pagkakahiga.

"Ahmm. Monique kasi..." Zyrille. I cut her off.

"Dont call me Monique." I said in cold tone.

"Pero kasi.. I mean.. We're sorry sa nangyare kanina..." -Naomi.

Tumayo na ako. "Wala na sakin yun."

"Really? Yay! Thankyou bestfriend!" Masayang turan ni Zyrille.

Bes---WHAT?! Tsk.

"Let's go to mall. 3 hours kading natutulog noh." -Naomi.

3 hours? Tumingin ako sa relo ko. Ommoo. Totoo nga. Its already 5 tsk. I should be home.

"Gotta go." Naglakad nako papuntang motor.

Pero ramdam ko na nakasunod sila sakin.

Huminto ako at hinarap sila. "Ano ba talagang kelangan niyo?!" Inis kong tanong.

"O-Oy bee.. Ano daw kelangan natin?"-Naomi.

"Ehm, Monique.." I glare at her. "Seatmate. Leggo sa mall. PE day slash Club day naman bukas eh. Pleaseee." Paawa ni Zyrille

"Ayoko." Saka ko ulit sila tinalikuran.

"Ugh. Sige naman na Mon." -Naomi

"Don--WHAT Mon?!" Tanong ko.

"Mon stands for Monique. Haist, No buts. No likes. Sasama ka samin sa mall." -Naomi. After that. Hinila niya ako papunta sa ... Kotse niya.

Fine. Tsk. Ang kukulit. Ilang beses ko na silang tinatanggihan, pinapalayo at pinapahiya pero wala padin. Ayaw lumayo. Tsk. Bakit, mapagkakatiwalaan ko ba sila?

When her 'Pusong Bato' broke.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon