Chapter 24

40 3 2
                                    

Monday

Naglalakad na ako papuntang classroom, pero halos lahat nakatingin saakin.

Kanina pa yan. Simula ng maglakad ako sa building. Parang may mali. May iba akong nararamdaman.

Ewan ko, ganito kasi ako pag may nararamdaman akong kakaibang mangyayari.


Honestly, In life, pag may nafefeel kang kakaiba may bagay na mangyayare ng hindi mo inaasahan. Kaya nga yung iba pilit na ipinapasok sa isipan nila yung mga magagandang bagay.


But, Hell. Mali ang paasahin ang sarili mo sa mga bagay na hindi naman talaga mangyayare.


FLASHBACK

"Bestfriend forever?" Siya


"Bakit may forever ba?" Tanong ko habang nakatingala sakanya.


Maganda si Annika. Medyo mas matangkad siya saakin. We were bestfriend. 7 years old palang ako at one year younger ako sakanya, pero sinisiguro namin na until our last breath magbestfriend padin kami.


"Oo naman." saka siya tumingin sa malayo.


Malayo ang agwat ng pamilya namin sakanila. Masasabi kong may kaya sila pero hindi kaga namin na mayaman talaga.

Pero kahit ganun, hindi yun hadlang para maging magkaibigan kami. Hindi naman dun nababase lahat diba?

Ngumiti ako. Pero nawala yun nung naalala ko na may nag uusap kaninang dalawang babae about sa forever.


Sabi nung isang girl may boyfriend na daw siya. Sabi naman nung isa, Wag kang umasa walang forever.

"Hey, anong problema?" tanong sakin ni Annika.


"Sabi kasi nung mga babae kanina, forever doesn't exist." matigas kong sabi.

Hinawakan niya ako sa balikat saka ngumiti. "Monique, forever exists for those who believe on it."

I trusted this girl. I idolized her. Sobrang bait niya. Sobrang tatag at masiyahin. Matalino pa siya. Kaya nga isa siya sa mga inspirations ko.

"As you ay, I believe nadin. :") Bestfriend Forever!" Masaya kong sabi.

END FLASHBACK

Umiling ako para mawala yun sa utak ko. Hindi to pwede. Bakit ba naalala ko pa yun?!

I smiled bitterly. Pag naniwala ka daw sa mga magagandang bagay, pwede yun mangyare sayo. Pero bakit ako? Naniwala naman ako, pero nasaktan at umasa lang pala ako.

Tumuloy nalang ako sa paglalakad. Tiningnan ko yung wristwatch ko, 7:20 am na.

Dumeretso na ako sa room. Nandoon na kaya sila Zyrille?

Naalala ko tuloy yung nangyari last time nung pumunta kami sa studio. Inaasahan nilang tao ang kaibigan ko. Pero may second perception daw sila, dahil hindi sila naniniwalang may kaibigan ako. Kaya naisip nila na baka multo o Alien ang Papyru ko. Hahaha. Mga baliw.


Tumingin ulit ako sa paligid. Heck ! Nakatingin padin sila saakin! Ano bang meron?!


When her 'Pusong Bato' broke.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon