Kabanata 1

82 2 4
                                    

"Dianne! Juske saan ka ba nagsusuot? May group meeting tayo sa reporting!" Reycah

Ako nga pala si Dianne Jessica Escuderro isang Third year college student at kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Psychology.

"Sorry Reycah, bumili lang ako ng mineral water. Nasaan ba sila?"

"Tara doon sa Djemna." Isang part ito ng school namin na may mga upuan na gawa sa tabla.

Naglakad kami papunta doon. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating narin kami sa aming paroroonan.

Nagsimula na kaming talakayin yung tungkol sa report namin. Hinati ko na para naman magawa na nila ng mas maaga.

Kung ide-describe ko ang sarili ko, isa lang akong ordinaryong babae. Hindi kagandahan pero sabi nila cute daw ako. Tahimik sa klase pero madaldal at maingay sa labas. Ayaw ko rin ng panggulo sa buhay in short boyfriend. NBSB ako, at hindi naman ako nahihiya doon.

Pagkatapos naming talakayin ang aming report. Pumasok na kami sa last subject namin which is Zoology. Habang nagdi-discuss si Sir Munoz may naramdaman akong kumalabit saakin.

"Dianne punta tayong sm mamaya, tingin tayo ng back pack." sabi ni Grace Sandoval, isa sa mga kaibigan ko.

"Oo sige, makinig ka nga! Makita ka ni sir tignan mo." pabulong kong sambit sa kanya.

Pagkatapos ng klase ay sumakay ng kami ng jeep pauwi kasama ko si Kate at Grace.

Malakas ang ulan. Medyo nababasa narin kami dahil walang takip yung pintuan ng jeep. Naunang bumaba si Kate saamin dahil malapit lang ang bahay nila.

Pagkaraan ng ilang minuto ay naglakad kami papunta sa SM para samahan si Grace.

"Dianne, bili tayo ng minion na float sa mcdo hindi ko pa nasusubok yun hehehe." Grace

"Ako rin! Tara try natin mukhang masarap. Nakita ko sa patalastas sa tv yung may combo na fries." Ako

Nagpunta na kami sa mcdo at nag take out. Pumasok kami sa Department store para maghanap ng bag. Napadpad kami sa Nike.

"Dianne satingin mo anong mas maganda itong dark blue o itong black?" Grace

"Grace alam mo naman kapag akong namili pink lang ang alam ko haha!" Ako

Natawa naman yung sales lady. Favorite ko yung pink kaya lahat ng gamit ko halos ganoon na rin ang kulay. Pati nga kwarto ko e hahaha.

Sa bandang huli ay napili niya yung kulay black na Nike bag.

"Grace doon muna ako sa mga sapatos dun ha? Puntahan mo nlang ako pagkatapos mong magbayad." Sabi ko.

"Ok sige!" Grace

Naglakad ako sa mga nike shoes. Meron kasi akong binabalik balikan na sapatos dito kaya lang hindi ko mabili kasi nga sobrang mahal at mapapagalitan ako kung ipapabili ko ito. Habang tinitignan ko at the same time tinitignan yung prize ng sapatos kung nag mura ba, may tumulak saaking lalaki. Hindi ko alam kung sadya ba yun o ano pero ang sakit lang.

"Putik!" Napasigaw ako sa sakit.

May naramdaman akong basa sa blouse ko and guess what? Nabuhos ang minion float ko hindi lang sa blouse ko pati narin sa hawak kong sapatos!

Bumalik nalang ang katinuan ko ng may nagsalita sa side ko.

"Miss ok kalang?" Sabi ng lalaking nakabangga saakin.

Mukha ba akong ok? Lumapit ang saleslady saamin.

"Hala ma'am! You need to buy the shoes po. nadamage po siya."

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon