Kabanata 8

43 1 4
                                    

Three months na kaming mag on ni Aaron at araw-araw pinaparamdam niya saakin na worth it talaga siya sa binigay kong chance na maging kami. Tulad ngayon nagiwan siya ng chocolates at red rose sa taas ng locker ko. May nakasulat pang note doon na kita daw kami mamaya.

Dahil sa gusto kong bumawi man lang sa kanya ay ako ang pupunta sa room nila para sabay na kaming mag lunch. Wala na sana akong pasok kaya lang syempre hindi ko na siya masyadong nakakasama kasi maaga ang uwi ko at siya naman ay late na.

Habang naglalakad ako ay hindi maiiwasang pinagtitinginan ako ng mga tao dahil na rin ako lang ang naiibang uniform sa kanila. Full white kasi kami. Pero hindi ko nalang sila pinansin dahil hindi naman ako nandito para ibandera ang sarili ko kundi nandito ako para dalawin ang boyfriend ko yihiiiie.

Palabas na ang mga istudyante sa room nila Aaron. Hinintay ko siyang lumabas,pero bakit wala siya? Napagdesisyunan ko na tumingin sa loob, baka kasi nasa loob pa siya. Hindi nga ako nagkamali at nandoon nga siya pero ang ikinabigla ko ay may kausap siyang babae. Ready ko na sana siyang tawagin pero nanigas ako dahil sa narinig ko.

"Aaron mahal kita." babae

Parang kinurot ang puso ko dahil doon. Bakit niya sinasabi ito?

"Sorry Miyu pero may girlfriend na ako at mahal ko siya." Aaron

Wooh! Hahahahaha! That's it!

"Pero diba pinagkasundo na tayo?" Babae

Pinagkasundo?

"Sira na engagement natin kasi si papa lang naman ang may gusto nun." Aaron

Engagement? Bakit wala namang nasasabi si Aaron tungkol sa bagay na ito?

"Pero magagalit si tito kung buhay pa siya dahil sa hindi mo pagsunod sa kanya." Babae

Hindi naman nakapagsalita si Aaron na para bang tinitimbang ang mga sinabi ng babae.

Aray ko be ang sakit pala.

"This conversation goes nothing, aalis na ako." Aaron

Agad-agad naman akong naglakad paalis sa kinatatayuan ko at nagkunwaring walang narinig. Tumalikod ako at nagkunwaring may katext kahit wala naman.

"Dianne?" Aaron

Humarap ako sa kanya at tila namumutla siya.

"Bakit ka nandito?" Aaron

"Hi! Gusto ko sanang sabay tayong maglunch. Bakit ang putla mo may nangyari ba?" Tila nagaalala kong tanong kahit na alam ko naman ang dahilan.

Bigla niya naman akong yinakap at hinalikan sa noo. Kahit ako nabigla sa inasal niya.

"Wala... pagod lang ako." Aaron

"Talaga? O siya tara na at kumain na tayo para magka energy ka." Ako

Hinawakan niya at kamay ko at sabay kaming naglakad. Pero hindi ko maiwasang lumingon sa likuran ko at nabigla ako noong makita ko ang babaeng kausap ni Aaron kanina na nakatingin saamin at noong magtagpo ang mata namin ay inirapan niya ako. Bakas sa mukha niya ang panghihinayang at galit.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa nakita kong emosyon niya.

"Are you alright?" Aaron

"Ahhh oo. Let's go?" Ako

--------------
Kate POV

Ang tagal naman ni Top na iyon! 5 mins. na akong naghihintay dito pero wala pa siya! Ayaw na ayaw ko pa naman ang pinaghihintay ako! Mayayari talaga siya kapag nakita ko siya!

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon