Kabanata 15

28 0 0
                                    

Pagkarating namin sa bahay ay naghanda na kami sa aming pag-alis. Sumakay na ako sa kotse namin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa upuan ng terrace namin.

Napaluha na naman ako habang nakatingin doon. Ang buo namin bahay na sumisimbolo sa aming paglaking magkakapatid. Saksi din ng lugar na ito ang unang pagmamahal ko sa isang lalaki. Mami-miss ko ang lugar na ito. 

Ilang sandali lang ay sumakay narin ang buo kong pamilya sa sasakyan namin papuntang airport.

"Anak, hindi ka namin pinipilit sumama saamin ha?" Mama

"Opo ma." Ako

"Nakapagpaalam ka ba kay Aaron ng maayos?" Mama

Napaiyak na naman ako. Marinig ko lang ang pangalan niya bumabalik lahat ng sakit.

Bakit ganun? Kapag ba talaga nagmahal ka ay kailangan mong masaktan? Hindi ba talaga pwede ang maging masaya nalang kayong dalawa?

Tumango nalang ako kay mama at tila naiintindihan niya naman ito kaya umalis na siya sa harapan ko.

Maya maya na ay tinawag na ang mga pasahero papuntang new zealand. Habang nakasakay sa eroplano at hindi pa ito lumilipad ay hinawakan ko ang kwintas na binigay niya saakin. Ito ang tanging ala-ala na panghahawakan ko sa kanya. Ang Aaron ko. My first love and first heart ache.

'The board is ready to take off, please fasten your seat bealt.'

This is it. Tuluyan ko ng iiwan ang bagay na alam kong simula palang ay hindi na akin. Handa kong tanggapin lahat ng sakit at sakripisyo para sa kanya at para sa pamilya ko.
------
Ilang oras din ang byahe sa eroplano. Pagod na pagod ako physically pero mas namutawi ang sakit ng puso ko. Eventually, masasanay din naman ako.

Pagkapasok palang sa bagong tahanan namin ay nahiga na ako sa magiging kwarto ko. Maayos naman ang bahay, gawa ito sa kahoy gaya ng ibang mga bahay dito. Maayos na rin ang mga kasangkapan at ang mga kwarto.

Agad akong nakatulog sa aking kama at nagising nalang noong maghapunan. Wala akong ganang kumain kaya naman nahiga nalang ako sa bed ko at nagawi ako sa facebook. Matagal- tagal ko naring hindi nabibisita ito kaya naman ang dami kong mga friend requests, messages, at notifications. Hindi ko naman tinignan ang mga ito. Deneactivate ko muna ang account ko, satingin ko this is one of the step to move on. Pagkatapos ay brinowse ko ang cp ko na kaming dalawa ni Aaron ang wallpaper. Dinefault wallpaper ko nalang ito.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pintuan ng kwarto ko. Inayos ko muna ang itsura ko bago tumayo. Si kuya Gabriel pala.

"Oh kuya? Bakit?" Ako

"Ahh papaalala ko lang sa'yo na bukas yung test mo sa school na lilipatan mo. Dahil incoming 4th year ka at transferee from other country, kailangan mo yon." Kuya

"Ahhh okay kuya." Ako

Ilang minuto din kaming nakatayo at tinitignan ako ni kuya na masisinan na para bang binabasa ang nasa isip ko.

"May kailangan ka pa kuya?" Ako

"Gusto ko lang sabihin na sana hindi ka lang napilitang sumama dito." Kuya

"What? Of course not kuya! Kayo ang pamilya ko, dapat lang na kayo ang priority ko." Ako

"Wala lang baka kasi ayaw mo pala diba? O siya, kumain ka na. Pupunta lang akong opisina, kakausapin daw ako ng boss ko." Kuya

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon