Kabanata 11

41 2 0
                                    

"Dianne! Tara na?" Reycah

Pupunta kaming Baguio today. Meron kasing parang 3 days activity na gaganapin doon. Required kaming mga member ng department school paper na pumunta doon.

"Wait lang. Wala pa si Aaron. Sabi niya papunta na daw siya e." Sabay tingin ko sa cellphone ko.

"Ano ka ba!? 5 a.m. na oh. Tinatawag na tayo nina Sir!" Reycah

Napatingin naman ako kina Sir Sumpong na nakatingin din saamin. Mukhang kami ang pinaguusapan. Katulad ng apelyido niya, sumpungin talaga siya. Kaya as much as possible dapat hindi siya ginagalit. Kasi maghahalo ang laman sa tinalupan. Hayyy, saan naman yung Aaron na iyon? Text ko nalang siya.

Babe. Nagmamadali sina sir eh. Gusto talaga kitang hintayin kaya lang nakakahiya na kina Sir and mga kasamahan ko. Ingat ka palagi ok? Huwag papagutom. I love you.

Send

Dali dali na akong sumampa sa van at pinaandar na ng driver.

Sobrang nakakapagod ang byahe papunta sa Baguio. Hindi pa naman ako sanay sa pagpunta sa malalayong lugar. Agad kaming nag check- in sa isang hotel and resort. Dito rin kasi gaganapin ang venue ng seminar namin.

"Guys! Nakapagcheck- in na ako. Magpahinga muna kayo sa kwarto na reserved sa inyo. Mga alas tres ay magkakaroon ng small program. Tatawagin ko nalang kayo kapag malapit ng magumpisa. Dahil 12 kayo at lima lang ang kwarto na reserved saatin. Kaya tig tatatlo kayo per room." Sabay haplos niya sa buhok niya. Napatingin naman ako doon. Bakit ba ang hilig niyang haplusin ang buhok niya? Kaya napapanot e.

"Yes Sir!" Sabi naman namin.

"Dianne! Sama ka nalang saamin ni Man Key!" Sigaw ni Reycah.

"Oo sige." Sabi ko naman. Ewan ko ba bakit pinangalanan na Man Key yan? Parang unggoy lang diba? Monkey? Pero yung full name niya ay Mandibulla Keyesia. Yes, mandibulla parang buto lang. Mas pangit naman kung bulla yung palayaw niya diba? Parang bubbles lang.

Ang nabigay na room saamin ay number 434.

Maaliwalas naman yung room. Pero I doubt kung kasya kaming tatlo sa bed. Siguro yung isa saamin ay matutulog sa lapag. Meron naman kaming dalang mga kumot at unan, kung sakali. Buti nalang girl scout kami! Hahahaha

"Dianne. Una na akong maligo no?" Sabi ni Mandibulla.

"Oo sige, una kana." Ako

Ewan ko pero hindi ko talaga feel yan si Man. Parang kasing nababalot siya ng maitim na aura. Wala kasi siyang kasama kaya siguro naawa si Reycah na isama siya sa kwarto namin.

Habang hinihintay siyang matapos ay tinignan ko naman ang cellphone ko. Nagtext si Aaron.

Sorry babe. Nasiraan kasi ako nung papunta diyan. Promise babawi ako sa'yo. I love you at ingat ka diyan :)

Nireplayan ko siya.

Ok lang babe. Sorry ngayon lang kita nareplayan. Alam mo naman na hindi ako makatingin sa cp ko habang nasa byahe diba? Nakarating  na kami sa Baguio. Ingat ka din diyan ha? Call tayo mamaya pagkatapos ng program. Love you!

Agad naman siyang nagreply

Sure sige. Sabihin mo lang kung kailan ka hindi busy. Hanggang 6 p.m. pa klase ko today. I love you more.

Magtitipa sana ako ng reply noong lumabas si Man Key sa toilet bowl. Joke lang hahaha! Lumabas na siya sa cr. tumayo na ako at dumaretso doon, dala ang damit na susuotin ko.

Ilang sandali lang ay natapos na ako. Si Reycah naman ang susunod na maliligo. Ako naman ay humarap sa salamin para magsuklay at maglagay ng kaunting polbo sa mukha. Magkatabi kami ni Man kaya napansin ko na nakatingin siya saakin dahil nakaharap ako sa salamin ay ganoon din siya.

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon