Kabanata 10

33 0 0
                                    

Monday ngayon at walang pasok dahil sa non working holiday ngayon. Napagdesisyunan namin ni Aaron na pumunta sa SM para maglibot-libot. Hindi na kasi madalas magkita dahil ang daming ginagawa na mga paper works at kali-kaliwang test lalo na sa major subjects namin. Juice ko na buro talaga ako T.T kahit na nagpuyat na ako sa pagbabasa, parang wala namang epekto. Feeling ko nga nag board exam ako ng wala sa oras T.T

"Ma, aalis kami ni Aaron ngayon. Pupunta kami sa SM." Sabi ko kay Mama na nasa kusina at naglilinis ng ref.

"Tinext mo na ba tatay mo?" Mama

Hindi kasi ako papayagan ni Mama kung hindi ako nagpaaalam kay Tatay.

"Opo. Tinext ko na siya kanina." Ako

"Ok sige. Susunduin ka ba niya dito?" Mama

"Hindi na Ma. Sabi ko kita nalang kami doon." Ako

"Ahh ok, pahatid ka kay kuya Jhonny mo sa paradahan ng tricycle. Huwag kang sasakay kung walang babaeng nakasakay. Baka mapano ka." Mama

"Opo. Uuwi po ako ng 5 pm." Ako

"Oo. sige, magbihis ka na." Mama

Pagkatapos kong magbihis ay dumaretso na kami sa paradahan ng tricycle ni Kuya Jhonny. Wala namang siyang kibo at mukhang wala sa mood at bagot na bagot.

"Huy! Napano ka!?" Ako

"Wala!" Kuya

"Asus! Lokohin mo lola mo!" Ako

"Lola mo rin yung huy!" Kuya

"Oh edi wow! Bakit ba napano ka?" Ako

"Wala nga!" Kuya na mukhang nainis na sa kakulitan ko.

"Haha! Bagsak ka no?" Ako

"Hindi ah! Kahit na hindi naman ako magreview kaya ko no!" Pagmamalaki niya.

Sa totoo lang ako ang pinakabobo sa aming magkakapatid. Sila kahit na hindi magbasa or magreview nakukuha nila mga test nila. Pero ako? Wala. Nasaan ang hustisya? T.T

------------
Aaron POV

Nandito ako ngayon sa harap ng National Bookstore at naghihintay kay Dianne. 1 palang ang pagkikita namin pero 12:30 palang nandito na ako. Ayaw ko kasing siya ang maghihintay saakin.

12: 55 pm na at nakita ko si Dica na papalapit sa kinaroroonan ko. Noong natagpuan niya ang mata ko ay kumaway siya at nagsmile.

Napasmile na rin ako sa kanya at kumaway na rin. Noong makalapit na siya ay hinalikan ko naman siya sa noo.

"Oh? Ang aga mo ata? Akala ko mas mauuna pa ako sa'yo." Dica

"Oo napaaga nga ako e hahaha! tara na?" Ako

"Ok sige." Dica

Hinawakan niya naman ang palad ko. Nabigla ako kaya napatigil ako sa paglalakad.

"May problema ba?" Tanong ni Dica saakin.

Umiling nalang ako at naglakad ulit. First time naming magholding hands sa loob ng 5 months naming magkasintahan. Ayaw ko namang mag initiate kasi baka ayaw niya.

Pumasok kami sa loob ng Department Store ng SM agad na pumunta si Dica sa mga T-shirt.

"Anong satingin mo ang mas bagay? Itong white or pink?" Tanong niya ng nakangiti saakin.

Oh how I love her smile.

"Kahit ano pa yan bagay sa'yo." sabi ko naman.

"Asus kahit itong damit na ito?" sabay pakita niya sa isang damit na pang lola.

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon