Kabanata 2

47 1 5
                                    

Sabay kaming pumasok ni kuya Jhonny sa school naming pinapasukan. Noong nakapasok na kami ay naghiwalay na rin kami ng landas kasi sa CEA ( College of Engineering and Architecture) siya tapos ako sa CSSP ( College of Social Sciences and Philosophy) naman.

"Ingat ka! Text mo nalang ako kung malalate kang uuwi para masundo kita." Kuya

"Ok kuya! Ingat ka din!" Ako

Minsan late na akong umuwi dahil sa mga school works namin ay ginagabi na ako ng uwi kaya sinusundo ako ni kuya sa babaan ng jeep. Mahirap na baka may bastos sa daan.

Ng makita kong malayo na siya doon naman ako kumuha ng tyempo para lumabas ulit sa gate. 8:30 am palang ang pasok ko at 7:45 am palang so meron pa akong oras para ibigay kay kuyang mechanical engineering yung perang pinambayad niya sa sapatos kahapon.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Infinite coffee shop. Pagkapasok ko ay nakita kong kumaway si kuya M.E. ( short for mechanical engineering) sa gawi ko. Nakakahawa ang smile niya kaya napasmile na rin ako. Pinuntahan ko naman siya kaagad.

"Good morning!" - siya

"Good morning din po." Nahihiya kong sambit, sabay yuko.

Hindi naman ako mahiyain kasi naka train kami sa mga prof. namin. Syempre Psychology yung course ko kaya bawal saamin iyon. Pero bakit pagkarating sa kanyan nahihiya ako.

"Ahhh by the way. Ito pala yung sapatos kahapon. Peace offering ko sa accident kahapon. Pinalaba ko na rin. Bakit ka pala umalis agad?" Siya

Sabay abot ng paper bag.

"Aiii kuya hindi ko po ito matatanggap. Yung po talagang pinunta ko dito ay gusto ko pong bayaran yung 5k." Ako

Sabay abot ng pera sa kanya.

Hindi niya naman ito tinanggap at...

"Bakit mo ako binabayaran? Hahahaha ibang klase karin hahahahahaha"

Ang dami niyang tawa, hindi ko na nga mabilang e haha.

"Kasi po baka may kapalit po yung pagbili niyo ng shoes." Nahihiya kong sambit.

"Ha? Saan mo naman galing yan? Gift ko na sa'yo ito."

Ayaw ko paring tanggapin ang sapatos. Napansin ko na 10 mins. nalang at 8:30 na. Kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin ito.

"Salamat po kuya! Papasok na po ako. Kayo po?"

"Papasok na rin ako. Tara na?"

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng cofee shop at sabay kaming naglakad. Pinagtitinginan kami ng mga tao at may naririnig akong nagbubulong-bulungan.

"Siya yung babae sa confession cupid kahapon."- girl 1

"Paano mo nalaman?"- girl 2

"Syempre is-stalker ako duh ~ isn't it obvious?"- girl 1

Hayyy grabe!

"Ahhh ano pala name mo kuya?" Tanong ko sa kanya. Kasi naman hindi ko pa alam name niya no? Kanina pa kami nag uusap hahaha!

"Hahaha oo nga no? Kanina pa tayo naguusap hindi man lang ako nagpakilala haha. Ako nga pala si Aaron Bien Consuji." Siya

"Wow! ABC po yung initial niyo kuya Aaron? Galing!" Ako

"Hahahaha yun talaga ang una mong napansin? Hahaha! Aaron nalang, parang ang tanda tanda ko naman para sa'yo." Aaron

"Ilang taon ka na ba kuy- este Aaron?" Ako

"22, ikaw?" Aaron

" 19, edi matanda ka pala ng 3 years saakin. Kaya dapat talaga kitang tawaging kuya hahahaha." Ako

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon