Kabanata 12

30 0 0
                                    

Papunta ako ngayon sa bahay nina Aaron. Invited kasi ako sa birthday party niya na gaganapin sa tahanan nila. Oo birthday niya ngayon kaya syempre bilang girlfriend dapat nandoon ako nuh.

"Nandito na tayo." Kuya Jhonny

Dali-dali kong kinuha ang regalo ko kay Aaron sa tabi ko.

"Pag-isipan mo ang sinabi ni Kuya ha?" kuya Jhonny

"Oo kuya. Sige una na ako." Ako

Bumaba na ako at dumaretso sa gate nila.

"Ma'am, your invitation po?" Tanong saakin ng isang naka unipormadong lalaki.

Binuksan ko ang bag ko at ibinigay sa kanya ang invitation ko.

Nang makapasok ako sa loob nila ay hindi pa nagsisimula ang party. Ginanap ang party sa garden nila. Agad na hinanap ng mga mata ko si Aaron pero hindi ko siya makita.

Naglakad lakad pa ako pero wala talaga siya. Napadaan ako sa lalagyan ng regalo pero hindi ko nilagay ang akin dahil gusto ko na personal ko itong ibigay sa kanya.

Sana magustuhan niya ang gift ko sa kanya. Collage photo namin itong dalawa. Dinesign ko sa computer and then pina-frame ko. Wala naman kasi akong pambili ng mamahaling regalo sa kanya gaya ng relos at sapatos. Pinagaaral pa ako ng mga magulang ko. Alam kong maiintindihan niya iyon.

Habang papunta sa pool area nila sa likod ng bahay nila ay may narinig akong nag uusap sa dalawang tao. Wala naman akong balak na pakinggan ang pinaguusapan nila pero noong marinig ko ang pangalan ko ay dali-dali akong nagtago sa likod ng halaman.

Doon ko napagalaman na si Miyuki Bae pala at si Aaron ang naguusap.

"Aaron. Alam mo naman na hindi deserving si Dianne sa'yo. Ikaw ang magmamana ng kumpanya ninyo pagkatapos mo sa pag-aaral. At nakasulat sa last will ang testament ni tito na hindi mo makukuha ang mana kung hindi mo ako papakasalan." Miyuki

"Kaya ko namang magsumikap para maging successful ako at hindi ako aasa sa mana ni papa saakin." Aaron

"Pero Aaron! Sayang naman iyon. Bakit hindi mo pa kasi hiwalayan si Dianne. Sagabal lang siya sa success mo! " Miyuki

Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko at umalis sa lugar na iyon. Hindi ko kayang pakinggan ang mga sinasabi ni Miyuki. Sagabal ako sa success ni Aaron? Really? Hindi tumigil ang mga luha ko at parang gripo dahil sa pagtulo nito.

Hindi ko pa rin maproseso ang lahat ng mga narinig ko.

" Hello?" Kuya Jhonny

"Kuya sunduin mo na ako." Ako

"Oh? Hindi kapa nagtatagal diyan ha? Napano ka?" Kuya

"Masakit tiyan ko kuya." Pagsisinungaling ko.

Noong nakarating ako sa party na pinagdarausan ng party ay nakasalubong ko si Tita Adressa. Dali dali kong pinunasan ang luha ko.

"Oh, Dianne iha? Nakita mo na ba si Aaron?." Tita

"Ah hindi pa po. Tita paki sabi nalang po sa kanya happy birthday at pakibigay nalang po gift ko. Masakit po kasi ang tiyan ko. Uuwi na po ako." Ako

"Ok ka lang ba? Gusto mo ipahatid kita sa driver? Or kay Aaron? Wait lang tawagin ko lang siya." Tita

"Hindi na po Tita. Nasa labas naman po si Kuya. Tinext ko na po siya." Ako

"Sigurado ka?" Tita

"Opo. Sige po una na ako." Ako

Hindi ko na siya hinintay ang sasabihin niya dahil dali-dali akong tumakbo papunta sa labas. Buti nalang hindi pa malayo ang natakbo ni kuya dahil paglabas ko ay nakita ko na siya.

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon