Kabanata 17

18 1 0
                                    

Pagkalipas ng 5 taon...

"Ano ba yan ang init dito sa labas ng airport." Mahina kong usal sa sarili ko.

Nasaan na kaya sina Grace at Kate? Kanina ko pa sila hinihintay dito sa labas. Ang napag- usapan kasi namin sa skype ay sila nalang ang magsusundo sa akin galing airport.

Ako lang kasing mag- isa ang umuwi. Sina Kuya parehong nagta- trabaho. Si Papa naman retired na at inaatake palagi ng hypertension. Hindi naman maiwan- iwan ni Mama kasi walang mag a- asikaso sa kanila.

Napag desisyunan ko na mag bakasyon muna dito. Na- miss ko rin naman ang Pilipinas, lalo na ang klima at amoy nito. You know what I mean.

"Dianne!" Narinig ko ang boses ni Grace kaya naman agad akong tumalima para makita siya.

Tila sabik na sabik siyang lapitan ako ngunit hindi niya magawa dahil malaki na ang tyan niya. Buntis kasi si Grace, kung hindi ako nagkakamali ay pag second trimester niya na ito. Katabi niya si Daniel at inaalalayan siya.

Noong makalapit na siya ay dali- dali ko siyang sinunggaban ng yakap.

"Na- miss kita Grace!" Tili ko.

"I miss you too! Bakit lalo ka atang gumanda!?" Sabi niya habang kinikilatis ako magmula ulo hanggang paa.

"Thank you! Iba kasi ang klima sa ibang bansa kaya siguro ganoon." Ako

Tumango naman ako kay Daniel na nasa tabi niya. Akalain mo yon na magkakatuluyan pala ang dalawang ito? Parang kailan lang at ayaw ni Grace sa kanya tapos ngayon magkaka- anak na sila. Hindi mo talaga malalaman kung ano ang mga mangyayari sa susunod na kabanata.

"Nasaan si Kate?" Ako

"Ay naku! Pasensya ka na. Mag biglaang lakad kasi yon. Hindi na nakapag- paalam sa'yo. Pumunta siya kahapon sa South Korea. Na- ospital kasi si Top."

"Ganoon ba? Naku, sana ok na siya." Ako

"Ok na daw siya... Tumawag siya kanina. Ituloy nalang natin ang kwentuhan sa sasakyan. Iyan ba lahat ng mga gamit mo?"

Tumango naman ako at kinuha na ni Daniel ang isang luggage. Tinulungan din kami ng mga tauhan doon sa pagbubuhat at paglalagay nito sa likod ng sasakyan nila.

Habang nagba- byahe ay walang humpay ang kwento ni Grace tungkol sa mga nangyari sa mga nakalipas na taon. Kahit na medyo active na ako sa social media ay iba pa rin ang personal na nagkakausap.

"Ikaw kumusta na kayo ni Dylan?" Pag- iiba niya ng usapan.

"Ok naman kami." Medyo malungkot kong saad. Hindi kasi siya pwedeng mag- absent sa company nila dahil nasa Singapore si Tito Tirso.

"Kailan ba kayo magpapakasal?" Masayang tanong ni Grace.

"Hindi pa naman namin pinag- uusapan."

"Naku ha? Kapag kinasal kayo, gawin niyo sana dito sa Pilipinas."

"Hindi ko pa alam. Sasabihin ko nalang kapag meron na talagang plano."

"By the way, ilang buwan ka dito?"

"Probably, 1 month? Hindi ko pa alam."

"Bakit kasi hindi ka nalang dito magtrabaho?"

Napatingin naman ako kay Daniel na bumusina. Harabas naman yong driver na yon!

"Anong meron?" Nabiglang tanong ni Grace.

"Hindi ko alam, parang nag overtake ata yung sports car. Tapos muntikan ng mabungo ang sasakyan ninyo."

"Hon, ok ka lang?" Tanong ni Daniel

"Ok lang Hon, ikaw?" Nag- aalalang tanong ni Grace

"Ok lang, muntikan na tayo."

Nabigla nalang kami noong huminto ang sports car sa gilid. Siguro guilty sa ginawa niya.

Buti nalang at subdivision na itong pinasukan namin at walang mga sasakyan at tao.

Noong nadaanan namin ang sasakyan ay binaba ni Daniel ang bintana, para makausap ang driver. Keganda- ganda ng sasakyan, barumbado.

"I'm sorry. Nagmamadali ako. Ok lang ba kayo?" Narinig kong tanong ng driver kay Daniel.

Parang may kaboses. Saan ko kasi narinig yan?

"Yes, we are ok. Next time please, kung nagmamadali ka, huwag kang mandadamay." Naiinis na sambit ni Daniel.

Sino ba namang tao ang hindi maiinis diba? May kasama kang buntis na asawa tapos ikaw na maingat na magdrive, para safe. Tapos bigla nalang susulpot ang aksidente sa kagagawan ng ibang tao.

Kinalabit ako ni Grace.

"Hmm?"

"Hindi na si Aaron yan!?"

"Ha?" Hindi ko agad na absorb ang sinabi niya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tinawag niya nalang si Aaron.

"Aaron! Kumusta na!?" Hyper na tanong ni Grace

Hindi ko siya makita dahil nasa likod ako. Eh silang dalawa ni Daniel ay nasa harap.

Ayaw ko namang buksan ang bintana. Hindi ako makakilos man lang.

"Grace! Ikaw pala yan. Ok naman. Ikaw kumusta na?" Aaron.

Mabuti naman at ok ka. Siguro may pamilya na rin siya. Masaya na siya sa piling ni Miyuki.

"Ok naman. Ahh, Aaron, si Daniel pala, asawa ko."

"Oh? Hi Pare! Nag- asawa ka na pala? Si Kate?"

Nakita kong tumango lang si Daniel. Inis pa rin siguro.

"May asawa na rin yon, dalawa na nga ang anak."

"Ganoon ba? Tignan mo mga naman. Oh sige Grace, Daniel, I'll go ahead. Nice seeing you!"

Bakit parang ang sakit? Bakit hindi man lang niya ako tinanong? Siguro nakalimutan na niya ako. Siguro wala nalang ako sa kanya. Bakit ko ba nararamdaman ang bagay na ito? Masaya na siya. Masaya na rin ako kay Dylan. Wala ng lugar na maramdaman ko pa ito.

"Nice seeing you too! Ayaw magpakita ni Dianne. Nagtatago dito sa likod."

Taragis talaga itong si Grace! Hindi ako nagtatago no! Hindi lang ako makakilos.

"Sino si Dianne?"

What?

Hindi niya ako matadaan?

"Ex girlfriend mo..." Humina ang boses ni Grace.

"I'm sorry Grace. I don't recognized her name. I'll go ahead."

At narinig ko nalang ang pag- alis ng sasakyan ni Aaron.

Tahimik kaming tatlo sa loob ng sasakyan. Walang nagsasalita.

"Bakit hindi ka niya ma- recognized? Kahit name man lang?"

Doon ako napatingin kay Grace.

"Hindi ko alam Grace. Baka nakalimutan niya ako. Naging insignificant na akong tao sa kanya."

"Ha? Ang makakalimutin niya naman?"

"Baka... we don't know..."

I don't know...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon