Kabanata 7

23 1 1
                                    

"Will you be my girlfriend?" Aaron sabay luhod sa harapan ko.

Hindi ko alam pero naiiyak ako. Nandito siya sa bahay namin at kaharap ang pamilya ko. Para saakin kasi mas sweet kapag ganito. Ayaw ko yung nasa public place kami tapos tatanungin niya saakin iyon. Kasi syempre kung hindi mo naman siya feel sagutin tapos ang daming nakatingin sa'yo parang mapipilitan kang sagutin mo siya kahit na hindi ka pa ready.

"Yes!" Sabay hawak sa kamay niya para patayuin at yakap sa kanya.

Pagkatapos noon ay kinamayan siya ni Kuya Jhonny at tinapik naman ni tatay ang balikat niya. Si Mama naman ay mangiyak ngiyak habang nakatingin saamin kaya nilapitan ko siya.

"Ma, ano pong problema?" Tanong ko

"Anak~paano na niyan? Iiwan mo na ako." Mama

"Ha? Ba't naman po kita iiwanan? Hindi pa naman ako mag- aasawa Ma. Huwag OA ok?" Sabay yakap ko sa kanya.

Kinalas naman ni Mama ang yakap niya saakin at nagkatinginan sila ni Papa.

"Emmanuel punta ka muna sa kwarto mo may pag-uusapan lang kami dito sa sala." Tatay

"Opo." Kuya Jhonny

Nagtaka man ako ay naupo kami sa bangko namin sa sala. Katabi ko si Aaron at nasa harapan naman ng upuan namin si Mama at Papa na magkatabi rin.

"Ehemmm~" my father cleared his throat

"Una sa lahat gusto kong ipaalala sa inyo na mga bata pa kayo. Kung iisipin niyo na gagawin na ninyo ang bagay na 'yun' dahil sa magkasintahan kayo, pwes hindi pwede." Papa

"Pangalawa, Aaron." sabay tingin ni Papa kay Aaron. Umayos naman si Aaron ng upo at tila namumutla dahil sa intense ni tatay magsalita.

"Hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ng anak ko. Dito lang kayo sa sala kung bibisita ka saamin." Tatay

"Opo." sabay tango ni Aaron

"Pangatlo, mayroong curfew si Dica. 7:00 pm dapat nasa bahay na siya. Walang date tuwing may pasok kinabukasan." Mahabang litanya ni Papa.

Si Mama naman ay tumatango tango sa sinasabi ni Papa.

"Opo sir." Aaron

"Pang apat!" Tatay

"Ano po?" Aaron

"Huwag mo na akong tawaging sir, tawagin mo nalang ako Tito Bert." Papa

Natawa naman kami.

"Opo Tito Bert." Sabi ni Aaron na medyo awkward ngang pakinggan dahil medyo pilit.

"Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag linabag ninyo ang mga panuntunan ko ako mismo ang gagawa ng paraan para magkahiwalay kayo." Papa

"Opo." sabay naming sabi ni Aaron.

"Ok sige! Tara na at kumain na tayo!" Papa

"Jhonny! Kunin mo yung marinaded barbeque sa ref!" tawag ni Mama kay Kuya Jhonny.
---------------

Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Aaron sa iskwelahan. Kasabay din namin si Kuya Jhonny habang nakasakay sa jeep.

"Ok ka lang?" Tanong ko kay Aaron, hindi kasi siya nagsasalita.

"Oo naman, bakit?" Aaron

"Wala lang ang tahimik mo kasi e." Ako

"Talaga? Ganito pala ang feeling ng nakasakay sa jeep." Aaron

"Bakit? First time mo?" Tanong ko.

"Oo e." Aaron

Grabe! Hindi pa talaga siya nakasakay ng jeep. Palibhasa'y mayaman sila e. Sa jeep na sinasakyan ko tatlo lang kami na taga University na pinapasukan namin. Madalas taga isang public university na kalapit ng pinapasukan namin ang mga kasakay namin. Kaya naman pinagtitinginan kami.

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon