Kabanata 4

29 1 2
                                    

"Hindi ba parang ang bilis? Kakakilala palang natin." Ako

Agad agad ligaw? Syempre dapat magsimula sa friendship hindi ba? O akala ko lang pala?

"Siguro sa'yo oo pero ako matagal na kitang kakilala. Mapuprove ko naman na worth it ako sa pagbibigay mo ng chance na ligawan kita." Aaron

"Ok." Ako

" Anong ok?" Aaron

"Ok. Pumapayag na ako." Ako

"Talaga!?" Napatayo niya pang sigaw.

Natawa naman ako sa reaction niya. Hindi ko pa nga siya sinasagot ganito na ang reaction niya hahaha.

"Bakit ayaw mo?" Pagmamataray ko kunwari.

"Hindi gusto! Promise ko sa'yo worth it lahat ito." Aaron

"Then, prove it." Ako
-----------------

Hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil na rin sa dami ng mga nalaman ko tungkol sa kanya. Dagdagan mo pa ang sinabi niya liligawan niya daw ako. Wihhhh! Ganito pala yung feeling?

Kaya naman puyat ako pagkapasok sa school.

"Huyyy! Napano ka diyan at parang wala ka sa sarili mo?" Grace. Kakarating niya lang ata.

"Huwag mo kong kausapin! Wala ako sa mood." Ako

Tumigil naman siya at umupo sa tabi ko. Alam na niya yan na kapag sinabi ko yun ay hindi na siya magsasalita dahil siguradong babarahin or susungitan ko lang siya.

"Napano yan?" Narinig kong tanong ni Kate kay Grace.

"Ewan wala sa mood. Wala naman tayong pagtetest ngayon diba? Wala naman si sir Albert ( teacher namin sa Physics) kaya isang subject lang papasukin natin." Grace

Nagsalpak nalang ako ng ear phone sa tenga ko para hindi na marinig ang bunganga ni Grace.

*idaero tteonajima~*

May naramdaman akong nangangalbit saakin kaya lumingon ako sa kanan ko kung saan nakaupo si Grace.

Dali-dali ko namang inalis ang earphone ko at nagtatakang tumingin sa kanya na nakaturo sa harapan ang daliri niya.

Instinct ko na tumingin na rin sa harapan at nabigla ako ng makita ko si Aaron na nasa harapan pala at naggigitara.

Napangiti naman ako ng wala sa oras. Ang mga kaklasi ko naman ay todo hiyawan.

Ng matapos ang kanta niya ay lumapit siya saakin at ibinigay ang isang boquet ng white roses. Nahihiya ko namang tinanggap ito at nagpasalamat.

"Anong kaguluhan ito!?"

Napatingin lahat kami sa pintuan. Nakatayo si ma'am Alvaro doon at nakakunot ang noo. Nang marinig ito ng mga kaklase ko ay nagsiupuan sila.

"Ahhh I'm sorry ma'am for disturbing your class. Hinarana ko lang po ang future girlfriend ko." Aaron

Anubeyan Aaron kinikilig aketch.

"Dianne, una na ako ha? Kita nalang tayo mamaya. Ma'am thank you po at sorry po ulit." Sabi niya at dali daling lumabas sa aming silid.

" Hayyy naku alam niyo ba pangarap ko rin ang ganyan noong college ako. Pero dahil nga there is no such thing as infinite as St. Augustine of Hippo has said kaya siguro hindi natupad ang pangarap ko na iyon." Ma'am

Ganyan talaga yan. Lahat nalang ng sinasabi niya kinokonect niya sa mga philosopher na pinag aaralan namin.

Nagsalita pa siya ng nagsalita tungkol sa walang forever na iyan. Yung hirap kasi sa mga tao masyado nilang binibig deal ang lahat ng bagay! Walang forever ulit-ulit nalang!? Eh wala naman talaga dito sa earth duh~ Pero naniniwala ako na may forever sa heaven :))

Ng matapos na ang aming klase ay nagpunta kami sa library ni Grace. Gagawin kasi namin yung report namin sa Cognitive Psychology. Si Kate naman ay may date daw sila ng boyfriend niyang si Top.Ui hindi yung isa sa mga member ng bigbang ha? Yung pangalan kasi nung bf niya ay Christopher kay Top yung palayaw haha.

Ng makaupo kami sa upuan sa library ay binuksan ko na ang laptop ko at nagsimula ng mag search, noong hindi ako masatisfy ay trinay kong maghanap sa mga libro dito.

"Ui."

Napatingin naman ako sa taong umupo sa tabi ko. Kaklase ko ito si Marco Galura.

"Ui." sabi ko naman tapos tumingin ulit ako sa laptop ko.

"Ang snob talaga nito kahit kailan." Marco

"..." Ako

Hindi ko nalang siya kinibo. Napatingin naman ako kay Grace na alam kong nakikiusyoso sa amin. Crush kasi ni Grace si Marco kaya lang noong nararamdaman ko na may gusto siya saakin ay lumayo ako. Unang una hindi ko siya type at pangalawa syempre magiging sagabal ako sa love life ng kaibigan ko.

Dada naman ng dada si Marco sa tabi ko.

"Alam mo hindi ko rin maintindihan ang report ko diyan." Marco

"Ahhh." Ako, tapos type ulit.

"Sino pala yung lalaki kanina? Bakit siya pinayagan mong manligaw ako hindi?" Marco

"Ewan." Ako

"GANYAN NALANG BA PALAGI ANG ISASAGOT MO SAAKIN? NAKAKAINIS KA NA HA?" Marco

Doon naman ako napatingin sa kanya noong sinabi niya iyon saakin ay let me rephrase it sumigaw siya saakin.

Anong problema nito?

"Hoy! First of all library ito at hindi canteen kaya huwag mong asahang makipagkwentuhan ako sa'yo! Secondly, hindi kita type kausapin kaya hindi kita sinasagot! Mawalang galang na at lumayas ka sa harapan ko baka mahampas kita ng laptop ko!" Ako

Umalis na siya sa harapan ko na may galit na mukha. Napatingin rin ako sa palagid at nakita kong nakatingin lahat sila saamin na para bang may palabas silang pinapanood.

"Tapos na ang palabas! Mawalang galang na at bumalik na kayo sa ginagawa ninyo. And you girl wearing white uniform next time don't shout at the library!" Galit na saad ng librarian namin.

" Yes ma'am. I'm sorry." Pagpapaumanhin ko.

Pagkalipas ng 1 oras ay napag desisyunan namin ni Grace na lumabas na sa library para mag lunch.

Habang kumakain ay hindi namin maiwasang pag usapan si Marco at ang nangyari kanina sa library.

"Grabe naman si Marco kanina. Hindi ko inaasahan na sisigawan niya ako kanina." Ako

"Oo nga! Turn off tuloy ako." Grace

"Hahahaha! Nandyan naman si Daniel e hahhahahaha!" Ako

"Heh! Shatap na nga! Ayaw kong marinig ang pangalan ng lalaking iyon nababanas lang ako!" Grace

Si Daniel kasi ay 4 na taon niya ng manliligaw kaya lang dahil sa hindi niya 'daw' type si Daniel ay hindi niya ito pinapansin. Ewan ko ba sa kanya kung bakit ayaw niya sa kanya? Tahimik lang talaga si Daniel at hindi palasalita, yun ata ang ayaw niya sa kanya.

"Edi huwag! Bahala ka kapag nakahanap yun ng iba, doon ka magsisisi." Ako

"Edi maghanap siya! Pakielam ko!" Grace

Hindi nalang ako nagsalita at nagsimula na ulit kumain.
--------------

Habang nakahiga sa kama ay nagpapatugtog ako ng music gamit ang earphone ko.

*bzzzzzt*

1 message receive:
From: 0935*******
Good evening Dianne! Free ka ba bukas?

Inignore ko lang ang nagtext at hindi nireplayan. Malay ko ba kung sino siya. Dapat kasi magpakilala e, hindi naman kami manghuhula duh!
-------------
Dedicated: Mary Grace Correa Lee hahahaha😀😀

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon