Chapter 8

1.3K 205 14
                                    





This is it. This is really is it! Intramurals na namin at wala akong nadarama ngayon kundi matinding kaba. First time ko lang naman kasing sumali sa ganitong pageant eh. Kahit dati pa hindi ako mapilit ng principal namin na kapatid ni daddy, si tita Margie.


Ngayon lang at dahil iyon sa kapartner ko, kapag naaalala ko na walang pag-aatubili akong pumayag ng malaman kong si Zay ang kapartner ko ay umoo agad ako.


After ng dinner sa bahay namin ay naging abala na kaming pareho para sa gaganaping intramurals. Nag-isip kami ng magandang concept para sa talent namin at malimit din ang practice namin para sa pageant. Minsan nga ginagabi na kami ng uwi dahil sa kapapractice at hindi ko na din natutulungan ang mommy at daddy ko sa pagpeprepare para sa nalalapit kong kaarawan.


"Nervous?" napalingon ako sa taong nagtanong sa akin. Nasa loob kami noon ng dressing room na naka-assign para sa mga babae. Samantalang ang mga lalaki naman ay may kanilang dressing room din sa kabilang panig ng likod ng stage.


"A little bit! Good luck satin ha," Nakangiting sabi ko dito kahit sa totoo lang ay gusto kong ganutan ang babaeng nanloko sa bestfriend ko.


"You don't good luck me. I know me will be duh winner," Hahanga na sana ako kanina sa kanya at na-pronounce nya ng ayos ang nervous kaya lang sumablay na naman sa mga susunod.


"Okay Jerlyn, then congrats at ikaw pala ang mananalo," Mapang-asar kong sabi. Hindi kami napapansin ng ibang naroroon dahil busy ang mga ito sa mga ginagawa ng mga ito. Ang mga make-up artist ko naman na kinuha ng mommy ko ay lumabas saglit para kunin ang gown ko mamaya para sa evening gown competition.


"Okay girls, ready! kayo na ang susunod!" Malakas na sigaw ng baklang emcee na isa ding teacher sa school namin sinamahan pa nito ng malakas na palakpak ang pagtawag sa atensyon namin.


Kanya-kanya na kaming ayusan at tinginan ng aming mga sarili sa salamin. Ni-retouch naman ako kaagad ng make-up artist ko.


"Hay naku day ang ganda mo talaga! Superb sa kagandahan. Ikaw na ang mananalo, I'm sure!" tili pa ng baklitang nag-ayos sa akin.


"Thank you!" nahihiyang tugon ko naman.


"Good luck anak," si mommy na kapapasok lang sa dressing room namin habang nakatingin sa salamin at may pagkamanghang nakatingin sa akin.


"Thanks mom," nakangiting sabi ko na nakatingin sa salamin.


"Your kuya's are waiting for you outside. Excited na silang lahat na makita," pumapalatak na dagdag pa nito.


Hindi na ako nakasagot kay mommy dahil pinapapila na kami. Lalong sumigid ang kaba sa dibdib ko ng malapit na ang turn ko. Huminga ako ng malalim bago inantay ang turn ko.


Sabay kaming lumabas ni Zay sa magkabilang pinto ng back door ng stage na may mga nakadesign na kung anu-ano.


Napangiti ako ng malawak ng makita ko kung gaano ka-gwapo at ka macho ang aking matalik na kaibigan. Nginitian din ako nito at magkapanabay na kaming rumampa sa stage na ginawa lamang ng mga staffs at faculty member ng school.

We're Just BestFriends (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon