Chapter 22

865 176 4
                                    


A/N: still si Zay pa din po ito kadugtong po ito ng naputol kong update... yong mabait ko kasing lola palagi akong tinawag eh... hahaha... maiksi lang po ulit ito. hahaha... thank you sa mga nagbabasa at nagsupport...


*******


"Ma! Why are you still awake?" I asked my mom pagkarating ko sa bahay habang dahan-dahan akong humahakbang papasok ng bahay. Nagulat ako ng makita ko itong seryosong nakatingin sa may pintuan na pinasukan ko.


Tanging lampshade lamang ang liwanag na makikita mo dahil patay na ang mga ilaw sa loob ng bahay. Marahil ay tulog na si ate at Papa pati na ang mga kasambahay namin.


"Bakit ngayon ka lang?" taas kilay na tanong nito sa akin.

I walked towards her and hug her. "Ma! Huwag ka ng magalit, sige ka tatanda ka na agad nyan hindi mo na makikita ang mga magiging apo mo sakin," malambing kong sabi tapos hinihimas-himas ko ito sa balikat at hinalik-halikan ito sa pisngi.


Some people say that I am mama's boy, but heck I'm not. I just love my parents especially my mama, she's the most lovable woman that I've ever knew.


"Tigilan mo nga ako, bakit ngayon ka lang? Sumagot ka!" hinampas hampas pa ako nito sa braso.


"Ma! Nakipag date nga po ako kahit pa itanong nyo pa kina Raniel. Akala ko ba gusto mong magka girlfriend na ako?" sabi ko habang iniiwas ang katawan ko sa hampas ni mama.


"Naku! Kung hindi ka laang anak ko, hala umakyat ka na at magpahinga may atraso ka pa sa akin. Ang awa ko kanina sa bestfriend mo paiyak na ng malaman nyang maya kadate ka," kwento ni mama ng malapit na ako sa hagdan.


Napahinto naman ako sa pag-akyat at napalingon dito. "Bakit ma?"


"Nagtanong ka pa? Gusto mong makurot kita sa singit? Eh di bay nangako ka na aantayin mo sya, tapos ano ngayon? Nga-nga ng dahil sa iyo. Pinaasa mo lamang sya, matapos mong sabihin na aantayin mo bigla ka namang makikipagdate," sermon pa nito sa akin.


Nakaramdam naman ako ng awa para sa aking kaibigan. I know I like her. But I don't know if that like is enough to wait for her. Paano kapag may nakita akong mas gusto ko kaysa sa kanya?


I think I should talk to her. Kinabukasan na pinlano kong makipag-usap sa kanya ay hindi na natuloy dahil madami na akong ginawa at tinapos na mga projects isabay pa na malapit na din ang laban namin sa basketball. Gustuhin ko man syang mapuntahan ay napakalayo naman niya sa akin. It takes an hour or two papunta pa lamang sa school nito.


Siguro aantayin ko na lamang ang weekend na makauwi ulit ito.


*****


"Anong nangyari dyan?" narinig ko pang may nagtanong bago nawala ang aking ulirat.


Nagising akong masakit ang ulo at tila may nakadagan na bato dito. Iinut-inot na bumangon ako at inexamine ang lugar kung nasaan ako.

We're Just BestFriends (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon