Chapter 14

1.1K 184 5
                                    



"What do you think bhest?" nagulat ako sa biglang tanong sa akin ni Zayrex. We're having lunch sa canteen ng school. Kami lamang dalawa ang magkasama dahil busy pa ang kambal sa kanilang group activity.


Si Trina naman na naging kaibigan ko na din dahil palagi kaming sabay umuwi kapag hindi ako inihahatid ni Zay ay absent naman. Si Henry na isa na din sa barkada namin ay hindi ko din alam kung nasaan.


"Ano ulit?" wala sa sariling tanong ko.


Masyadong occupied ang utak ko kasi magba-valentines day na at malapit na din ang prom at wala akong prom date pa. Imposible naman kasing yayain ako ni Zay dahil may girlfriend na ito. Oo ang babaeng gumugulo sa isipan nya noong gabing nagka-usap kami nito ng seryosohan ay naging girlfriend na nito.


So far naman ay wala silang nagiging problema at okay na din naman sakin na si Lyzzi ang naging girlfriend nito kaysa kay Jerlyn. Maganda ito, mabait at palangiti kahit may pagkatahimik. Lower year nga lamang ito, ahead kami ng isang taon.


Masakit, oo pero sa nakikita kong saya sa mga mukha ni Zay ay nawawala ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap pala sa pakiramdam na ikaw na lang ang nagmamahal.


"Nakakasawa na din pala na ikaw na lang ang palaging nagmamahal,"


"Anong sabi mo best? Nagsasawa ka na sa akin?" tanong ni Zay na nakapagpabalik sa akin lumulutang na utak.


"Huh? A-Ah e-eh ano wala yon may naalala... oo tama may naalala lang akong palabas sa TV na ganun ang line," tarantang sabi ko.


"Hindi ka naman sanay manood ng TV ah," kunut-noong sabi nito.


"Ano... Ah hindi nga... Eh si manang kasi eh nakita kong nanonood nung minsan... kaya ayun," nakangiwing sabi ko.


Tumangu-tango lamang ito at ipinagpatuloy na ang pagkain. Ako naman ay kumain na lamang din ulit.


Ang bilis ng panahon nakatapos na ang Halloween, pasko at bagong taon ng ganoon kabilis. Si kuya Xander at si Tina hindi na nagkabalikan. Hindi na namin itinanong pa sa kanila kung ano ang talagang dahilan. Nalungkot kaming lahat dahil sa nangyari, nanghihinayang din kasi sayang naman. Pero sabi nga ni kuya Xander kung sila daw talaga ang nakalaan para sa isa't-isa ay magiging sila.


Ang mahalaga naman kasi ay ayos pa din ang friendship namin kahit na naghiwalay na sila ni kuya. Nakakalungkot nga lang at ang bilis nilang naghiwalay.


Malimit pa din silang dalawa ni Tere na magpunta sa bahay, nagkakasalubong sila ni kuya pero ngitian ng tipid na lang ang ginagawa nila.


"Ano nga pala yong itinatanong mo sa akin kanina?" tanong ko maya-maya.


"Ah yon ba? Sabi ko ano kaya ang magandang regalo kay Lyzzi?" ulit nito sa tanong na hindi ko narinig kanina.


We're Just BestFriends (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon