Chapter 16

994 193 8
                                    


"Anong problema?" tanong ko dito.


Nanatili lang akong nakatanaw sa malayo katulad niya. Akala ko nga hindi na nya ako sasagutin. Tiningnan muna ako nito bago ito nagsalita. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.


"Bakit ganoon bhest?" tanong nito na nakatingin sa mga mata ko.


"Hindi ko din alam," kibit balikat ko na nakatitig pa din dito.


Parang baliw na ginulo nito ang buhok nito bago sinabunutan. "Argggh!" sigaw nito.


Naramdaman kong pinagtitinginan na kami ng mga taong nasa labas ng bar. Buti na lamang at kakaunti lamang ang mga ito.


Niyakap ko ito. "Tell me, what's wrong? What's going on?"


"We broke up," anito na biglang tumulo ang luha nito.


"H-Huh?" tulalang tanong ko dito. Nabigla ako sa sinabi nito.


"Galit na galit sya kanina, tapos nagselos pa sa iyo. Dahil lang sa kantang kinanta mo. Sabi nya puro patama daw yon," nakaramdam ako ng awa dito.


"What did I do?" kahit alam ko kung ano ang tanong nito ay nagma-maang-maangan lamang ako. "Ang babaw naman nya. I didn't know na ganoon sya kababaw,"


"I don't know with her. Masyado lang siyang insensitive kaya ganoon. Hayaan mo na sya, makakamove-on din ako," anito.


Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin kaya itinayo ko ito at niyakap. "I'm sorry bhest, hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari. Si kuya ang pumili ng kantang yon," naiiyak na din na sabi ko.


"I know bhest. It's not your fault, masyado lamang syang sensitive," anito habang nakayakap ng mahigpit sa akin. "It's just that my ego and nanghihinayang lang ako sa mahigit isang taon naming relationship,"


"Taon lang yon bhest. Tayo nga more than half of our life ng magbestfriend di ba?" tumango ito. "Hayaan mo na. Hindi pa siguro sya ang nakalaan para sayo. Darating din yong taong para sayo bhest,"


"Tama ka bhest," cheerful ng sabi nito.


"See? O ngiti ka na, nagmumukha ka ng uhugin eh," pagbibiro ko dito. Tumawa naman ito ng pagak.


"Ang kulit mo talaga bhest, kahit kailan. Pero bhest paano kung wala talagang nakalaan para sakin?" mukhang tangang tanong pa nito sa akin.


"Pwede ba naman yon? Hindi yon, malay mo nasa tabi-tabi lang yon. May ginagawa o kaya nakatingin na sya sayo kaso ikaw ang nakatingin sa iba. O baka naman natraffic pa at papunta na sayo," makahulugang sabi ko.


Ginulo na naman nito ang buhok na parang bata bago ako inakbayan. "Ikaw talaga, pero bhest kapag thirty na tayo tapos wala pa akong asawa at ganoon ka din. Tayo na lang kayang dalawa ang magpakasal?" napalingon ako dito sa sinabi nito.

We're Just BestFriends (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon