Chapter 13

1K 191 7
                                    





"Anong atin?" tanong ko bago ko isinubo ang brownies.

Tumingin lamang ito sa kawalan at hindi pinansin ang tanong ko. Tila malalim ang iniisip nito. Ilang minuto na itong nakatingin sa kawalan ay hindi pa din ito nagsasalita.

"Spill it Amparo," yeah I call him amparo kapag seryoso na akong nakikipag-usap sa kanya.

Kumamot muna ito sa batok bago saka tila napipilitang nagsalita. "A-Ano kasi, naguguluhan ako," panimula nito na hindi pa din nakatingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba na hindi ko mawari.

"Saan ka naman naguguluhan? Paki-explain ng ayos," kinakabahang tanong ko na nakatitig sa kanya hindi ko na naituloy ang pagkain ko ng brownies dahil naagaw na nito ang buong atensyon ko.

"I realized something kanina eh," bigla itong tumingin sa akin na lalong nagpasikdo ng kaba sa dibdib ko.

"A-Ano naman yang something na iyan?" iwas tingin na tanong ko pa.

"Is it possible na ma-inlove ako kahit na katatapos ko lang ng previous relationship ko? Kasi di ba bhest, ano parang magiging rebound ko lang ba sya kung saka-sakali? What do you think?" tila gulong gulo ngang tanong nito.

"Huh?" natameme naman ako sa tanong nito. Kung sa akin lang tatanggapin ko kahit rebound lamang ako basta ako na ang susunod na mamahalin nya. "Sino ba itong tinutukoy mo? Kilala ko ba?"

Tumango lamang ito sa tanong ko. Gusto ko sanang itanong kung sino ngunit nawalan na ako ng lakas dahil baka mabigo lamang ako at lalong masaktan. I know I'm still young but I can't help my feelings for him.

Mahal ko sya at sya may mahal na namang iba. Ang saklap ng life. Bakit pare-pareho na lang kami ng mga kuya kong bigo sa pag-ibig. Ganoon ba talaga kadamot ang tadhana para hindi ibigay sa amin ang mga taong gusto namin?

"Bhest ano sa palagay mo? Tama ba itong nararamdaman ko?" pukaw nito sa malalim ko ng pag-iisip.

I cleared my throat first before I speak. "A-Ano ba yang nararamdaman mo? Baka naman natatae ka lang kaya ka kinakabahan?" I tried to ease the conversation and make some joke, it seems like he buy my joke and he laugh so hard.

"Alam mo bhest kahit kailan talaga hindi kita makausap ng matino sa mga ganitong bagay," sabi nito bago ako nilapitan at umupo sa espasyo sa aking tabi bago ako nito inakbayan at ginulo ang buhok na parang bata.

"Ano ba? Guluhin mo na ang buhay ko wag lang ang buhok ko," pagbibiro ko pa.

"Ayan, ayan yong humor na palagi kong nakukuha sayo kapag kausap kita. Yong malungkot kong buhay sumasaya kapag nandya, kapag nalulungkot ako ikaw ang nagpapasaya sa akin. Alam mo yon bhest sobrang compatible na tayo," nakatingalang sabi nito.

"Huwag ka nga, baka ma-inlove ka sakin nyan," birong totoo ko bago inalis ang mga braso nitong nakapulupot sa aking balikat. He laugh so hard.

I can't stop the feeling. Parang habang tumatagal lalo kong nararamdamang lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi na lamang ito isang simpleng paghanga dahil may halo ng pagmamahal.

"Baka ikaw ang ma-inlove sa akin, baka nga may pagnanasa ka na din sakin eh," ganting asar nito. Bigla naman akong nagseryoso ng mukha kaya napatahimik ito sa pagtawa.

"Eh paano kung oo? Paano kung totoong in-love na nga ako sayo?" seryosong tanong ko na nakipagtitigan pa sa mga mata nito. Nawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito at napalitan ng seryoso ding mukha.

"What do you mean? Alam mong matalik tayong magkaibigan. You are my bestfriend," nag-iwas ng tingin na sabi nito.

"Tagalog na tanong na nga yan hindi mo pa maintindihan? Huwag ka ngang magtanga-tangahan hindi bagay sayo. Paano nga kung mahal talaga kita? What will you do?" I hissed.

We're Just BestFriends (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon