Chapter 11

1.1K 200 4
                                    



"Happy birthday bunso," sabay sabay na sabi ng mommy at mga kuya ko na siyang gumising sa akin. Hawak ni kuya Xian ang cake ko na may nakalagay na HAPPY BIRTHDAY BUNSO LOVE MOM AND DAD.


"Thank you po," naiiyak na sabi ko bago tuluyang bumangon sa aking kama at isa-isa silang niyakapa at pinasalamatan.


"Ang iyakin ah bunso," si kuya Xonny.


"Sorry naman," pinunasan ko ang luha ko at yumakap sa kuya Xyno ko. "Kuya tingnan mo nga si kuya Xonny inaaway ako," nakangusong sumbong ko dito.


"Ano ba yan bunso ang baho ng hininga mo, di ka pa nagmumumog dikit ka ng dikit sakin," he tease.


Nakasimangot na hinampas ko siya sa balikat. "Bakit ba ang hahard nyo sakin eh birthday ko kaya ngayon. Kahit tumira ka pa sa bunganga ko kuya," I rolled my eyes and look at my mom and dad's side.


"Stop teasing your sister. Kayo talaga," si mommy na simpleng kinurot ang tagiliran ni kuya Xyno.


"Ouch mom," daing ni kuya Xyno.


Nginisian ko siya at binelatan. Nagtawanan naman sina kuya at daddy dahil sa inasal ko.


"Ang bunso ko talaga hindi pa din nagbabago, isip bata pa din," si daddy na binuhat pa ako na parang bata. "Ang bigat na ng bunso ko ah,"


I pout, "Daddy, bata pa naman talaga ako ah. At hindi kaya ako mabigat," hinug ko sya ng mahigpit.


"Oh sya tara na sa ibaba at ng makapag-almusal na tayo," agaw atensyon ni mommy.


Tumango na lamang kami at bumaba na ako mula sa pagkakabuhat sa akin ni daddy. Magana at masaya kaming kumain ng agahan habang nagkukwentuhan ng may magdoorbell.


"Ako na po ang magbubukas," pigil ni kuya Xander sa kasambahay namin na tatakbo na sana papuntang pinto upang buksan ito.


"Sige po," kiming tugon ni manang Sally.


Maya-maya lamang ay dumating na si kuya na may dalang isang pumpon ng magagandang Tulips habang binabasa nito ang nakasulat sa card na nakapaloob sa bulaklak.


"Kanino galing yan?" seryosong tanong ng kuya kong attorney. Alam na agad kung para kanino iyon dahil ako lang naman ang nag-iisang dalaga sa bahay namin.


Over protective talaga sila sa akin. Kaya kahit simpleng bulaklak lamang ay ayaw nilang ipahawak agad sa akin ng hindi nila nalalaman kung kanino galing.


"Xander, it's not good to mingle with other people's thing. Hayaan nyo na ang kapatid nyo. Ibigay nyo na ang bulaklak, and besides it's just a flower and it's your sister's birthday. Just give it to her," seryosong sabi ni daddy.





We're Just BestFriends (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon