Chapter 15

1.1K 189 8
                                    


One year after...

"Ui bestie may ka date ka na sa prom?" tanong sakin ni Tina. Magkaklase na kaming tatlo ngayong fourth year, ang it's almost graduation na and thanks God I survive na pakisamahan ang bestfriend ko si Zay at ang girlfriend nitong si Lyzzi.

Malimit pa din kasi kaming magsama-samang kumain paglunch o kaya ay pag vacant. Kaklase din namin sina Trina and Henry.

"Ako na lang kasi ang i-date mo eh para hindi ka na mamroblema," singit ni Henry sa usapan namin na nakatikim naman ng sapok mula sa katabi nitong si Tere. Nasa school grounds kami ngayon at nagmi-meeting kami tungkol sa project namin.

Wala ngayon si Zay dahil kasama nito ang girlfriend nito at hindi din naman namin ito kagroup. Sa iba ito at si Trina. Four members lang each group. Kaming apat nina Henry, Tina at Tere ang nagkataong magkakagroup.

"Alam mo ang landi mo talagang lalaki ka, ikaw na ang pinakamalanding lalaking nakilala ko. Lahat na lang inimbita mong maging kapartner sa prom," gigil na gigil na sabi ni Tere. Hanggang ngayon hindi pa din namin maintindihan kung bakit napaka init ng dugo nito kay Henry.

"Hoy ikaw na babaeng payatot ka na mukhang puppet. Hindi ko niyaya lahat, bakit niyaya na ba kita?" tanong ni Henry dito. Tinitingnan lang naming dalawa ni Tina ang pagbabangayan ng dalawa.

Natameme naman si Tere at nag-iwas dito ng tingin. "H-hindi, at ano namang pakealam ko kung hindi mo ako niyaya?"

"That exactly my point my dear. Anong pakelam mo kung yayain ko man ang lahat ng babae dito na maging kapartner ko sa prom. Mas gugustuhin ko pang maging kapartner silang lahat kaysa sa iyo," laglag ang pangang napatingin ako kay Henry.

Dali-dali namang tumayo si Tere at kinuha ang mga gamit niya at walang lingong-likod na kumaripas ito ng takbo. Nakita ko pa na pinunasan nito ang pisngi nito.

"Bestie sundan ko lang si twinie ha," paalam ni Tina at kinuha na din nito ang mga gamit at hinabol ang kapatid.

Kami na lamang dalawa ni Henry ang natira doon. Natulala din lamang ito dahil sa salitang sinabi nito kanina.

"Alam kong alam mo kung anong gusto kong sabihin," I just said.

"I'm sorry!" he said and bow his head.

"Don't say that sorry to me. I don't need that. Ikaw naman kasi eh, gusto mo naman sya bakit hindi mo sya ligawan? Alam kong dinadaan mo lamang palagi sa pang-aasar sa kanya pero alam kong gusto mo sya," I started putting my things in my bag.

"Ano bang dapat kong gawin? Takot ako sa katarayan nya," anito na tila nababaliw na ginulo ang buhok.

"Ewan ko sayo," ingos ko dito.

"Thank you ang laking help noon grabe," he sarcastically said.

"Eh bakit ba naman kasi dinadaan mo sa pang-aasar?"

"Eh kasi kapag inaasar ko lang sya saka nya ako napapansin and she looks cute when she's pissed off," nakangiti ng sabi nito na tila ini-imagine ang mukha ni Tere habang galit nag alit ito.

"Loko ka pala eh. Bahala ka wala akong alam dyan at wala din akong maitutulong sayong abnormal ka. Stop being torpe yon lang," sabi ko na lamang at nag walk out na din.

Naisipan kong umuwi na lamang dahil nagyaya na namang gumimik ang mga kuya ko kasi ay tutugtog sila mamaya at wala na naman ang vocalist ng mga ito.

"Ay pusang gala," gulat na sabi ko ng may biglang bumusina sa likuran ko habang naglalakad ako.

"Pusang gala ka dyan? Sakay na bago pa magbago ang isip ko," si Kuya Xian.

We're Just BestFriends (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon