Chapter 14:

12 5 1
                                        


ALEEZA:

Two weeks have passed by so quick at nalalapit na din ang final exam namin. Napagdesisyunan muna naming magkakaibigan na umuwi sa kanya-kanya naming mga bahay upang makapaghanda at makapagfocus sa nalalapit na final exam. Pero imbes na makapagfocus ako, parang mas lalo lang atang gumugulo ang isip ko ngayong nandito ako sa bahay.

There were memories that kept flushing in my mind but they're unrecognizable. Hindi ko mawari kung part ba yun ng memories ko or it was just a dream. Sobrang kakaiba at wala din akong maalala na ganong nangyari sa buhay ko.

Pero kapag pumapasok sa isip ko ang mga iyon, parang naghahatid ito sakin ng kakaibang lungkot. Feeling ko may kulang sa pagkatao ko at hindi ko alam kung ano.

Am I just missing my parents? Or there's something more I need to know?

I sighed as I glanced at the photograph in my study table. It was a picture of me, daddy and mommy when I was 14. It was also their last visit dito sa pilipinas.

Kinuha ko iyon at pinakatitigang mabuti. We were so happy that time, parang walang problema si mommy at daddy. Naalala ko ito yung time na nagtalo silang dalawa dahil ayaw pumayag ni mommy na turuan ako ni daddy magmaneho ng kotse. Pero dahil spoiled ako kay daddy, pinagpilitan nya hanggang sa wala nalang nagawa si mommy kundi panoorin kaming dalawa ni daddy.

Napangiti ako ng maalala ko ang panahon na 'yon.

Ang sarap bumalik sa panahong kasama ko kayo palagi mom, dad.

Napayakap ako sa litratong hawak hawak ko at tahimik na umiyak. Bakit pakiramdam ko ngayon, nag-iisa nalang ako?

Sa pag iyak ko'y unti unti na rin akong dinalaw ng antok kaya napagdesisyunan ko na lamang matulog.

---

"Nandito ba sya?" It's mom's voice.

"She's inside her room. Already asleep" Dad voice.

Teka, umuwi na ba sila?

Gusto kong imulat ang mga mata ko pero bakit parang ayaw ng isip ko gawin?

I miss their voices.

"I'll check her" Mom voice.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko pero nanatili akong nakapikit.

If it was just a part of another dream, then I don't wanna wake up.

"Sweetie, Sorry"

Her voice is so sweet, soft and gentle. Yung boses na nakakapagpakalma sakin kapag umiiyak ako, kapag nagmamaktol ako. I really miss her but why is she saying sorry?

"Hon, don't wake her up" Narinig ko'ng sabi ni daddy

"Yeah, I just want to see her but I'm done. Let's go"

Ilang sandali pa ay wala na akong narinig na tinig sa loob at labas ng kwarto ko. Marahil ay nakaalis na sila.

Kinaumagahan ay excited akong gumising dahil nasisiguro kong sila mommy at daddy ang narinig kong nag uusap kagabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HAUNTED APERTUREStories to obsess over. Discover now