Chapter 12

83 1 0
                                    

Chapter 12

CHESKA'S POV

IHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! Hindi ko na alam ang gagawin ko!! Nakakainis!!! >____<

Wait lang! Huy author, bakit ako nagka POV dito. Huhuhuhuhu. Problemado na nga 'ko dadagdagan mo pa.. Pero thank you ha..

Naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko alam. Parang ang kapal naman ng mukha ko para maipit sa sitwasyon ng kaibigan at pinsan ko. Oo, tama, 'kaibigan' ko si Angela. Ang bait ng buwisit na babaeng 'yun, di ko alam kung deserve ba niya yung nangyayari sakaniya ngayon. Yun nga lang.. para sakaniya rin naman lahat ng nangyayari ngayon eh. Tama yung ginawa ng pinsan ko, si Ram. Pero mali siya sa way nang pagsabi niya..

Hindi rin naman kasi siya masisisi.. Siguro hindi lang niya alam ang gagawin niya. Na kailangan niyang iwan si Angela, pero hindi niya alam kung kapag iniwan na niya siya, magiging normal parin lahat. Kung magiging okay ba si Angela..

Kahit naman kasi magkaibigan kami ni Angela, hindi rin siya nakikinig sakin. Wala siyang pinapakinggan pagdating sa health niya. Naiinis ako sakaniya pero minsan, iniisip ko din, pano kung ako si Angela?

Gusto kasi palagi nung babaeng yun, maging masaya eh. Ayaw niya yung buhay na walang ginagawa. Gusto niya yung nakikita niyang nakangiti yung mga nasa paligid niya. Hindi man napapansin ng iba yun, pero ako napapansin ko. Kahit makulit siya, yung pagiging makulit niya, nililimit naman niya. Kahit magulo siya, isang bawal lang, titigil na siya. Alam naman niya yung tama.. ayaw lang talaga niya yung masyadong seryoso.. Ako din naman ganun eh. Chos!

Pero kung kaibigan mo si Angela.. Ewan ko pero makokonsensya ka kapag hindi mo ginawa yung gusto niyang mangyari. Minsan lang naman kasi siya manghingi o magpatulong o magdemand man.

Nakokonsensya ako sa mga nangyayari sakaniya, wala akong magawa para tulungan siya. Hindi uubra sa mga sitwasyon ang patawanin siya. Dahil ngayon.. nawala yung Angela na ayaw ng seryoso.. Nawala yung ngiti sa mukha niya.. Masakit din para sakin na makitang mapalitan yun ng luha.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Ram. Pinsan ko siya, alam ko yung sitwasyon niya, naguguluhan din siya, mas nahihirapan siya kaysa sakin bilang kaibigan, mas masakit yung nararamdaman niya, nagmamahal siya.. pero bawal.

 "Ma...sama b..ba a..ko?"

"Hindi ka Gela.. Napakabuti mo nga eh. Shhh.. Tahan na." sabi ko nalang para mapatahan siya kahit papano. Yakap ko siya ngayon.. actually, kanina pa. Mga apat na oras na ata kaming magkayakap. Di pa kami nagdidinner.. Ganito ba talaga magmahal? Parang ayaw ko na nga -_______-

"Ah... Bave.. Kain muna kaya kayo?" tanong ni Kristine. Aish. Kahit kailan talaga panira ng momentum 'to.

"H..Hindi pa a..ko gutom." sabi ni Gela habang bumibitaw sakin.

"Okay na ako.." sabi niya at ngumiti. Malungkot na ngiti.

"Angela.. Hanga ako sayo alam mo ba." sabi ko at ngumiti na din. Siguro makakatulong rin yun sakaniya para mas makalimutan kaagad ang mga nangyari. Alam kong may trauma si Angela sa ganung klasing pag-asta tulad ng asta ni Ram kanina.

"Bave.. Kapag hindi mo na kaya iiyak mo lang ha? Andito lang kami." sabi ni Ate Rishel habang tinatapik ang balikat ni Gela.

"Hindi masamang umiyak, pero ingat ingat din kasi baka sumpungin ka ng sakit mo, wala kaming magawa." sabi ni Jasy na lumapit din at inayos ang buhok ni Gela. Wow. Anong meron.

"Nandito naman kami lagi para sayo eh. Hinding hindi ka namin iiwan." sabi ni Mae na umupo sa sahig sa tapat namin ni Gela. Parang may story telling? -______-

"Hindi ba sabi mo samin, kapag may problema, ngiti lang? Kapag tingin mo hindi mo na kaya, ngiti lang? Andyan naman si God para satin? Bave, tingin ko, ikaw ang nangangailangang masabihan nun ngayon. Ngiti lang!!" sabi ni Kay at sumayaw pa.

Napatingin kami kay Kristine na lumapit at hinawakan ang kamay ni Angela.. "Minsan kasi sa buhay, hindi dapat ituon ang sarili sa isang bagay lang. Dapat ma--"

Hindi na natuloy ni Kristine ang sasabihin niya kasi si Jerika eh. "Oooooh!! Minsan sa buhay kailangan tama na drama! Nakalimutan niyo na bang hindi pa tayo kumakain at malapit nang maubos ng boys sa kakapapak yung ulam! Para kayong nasa teleserye eh. Haaay ewan ko sainyo! Kain na ko!" sabi niya at lumabas na ng pinto. Napakamot nalang kami ng ulo at sumunod na sakaniya. Patay gutom talaga yun. -_______-

Kumain na kami. Tawanan. Kwentuhan. Asaran. Tapos yung boys, balik ng balik kasi kuha ng kuha ng ulam. Kinalong ni Jerika kaya wala tuloy silang nagawa. Hahahaha.

"Cheska.." biglang sabi ni Gela. Natahimik kami. Parang radyo na unti unting inihina yung volume. -____-

"Oh? May masakit ba?" sabi ko sakaniya. Halaaa. Baka mamilipit nanaman 'to. Naku, kumakain pako. T______T

"Hindi! Ano ba. Hm.. May bago nakong bestfriend." Aray naman.

"Ayos lang. Hindi ko rin naman kasi magawang maging be--"

"Drama mo. Leche ka. Eto oh. Pagkain. Ang bestfriend ko." sabi niya at ngumiti pa. Alam kong may sakit sa mga mata niya at gusto niyang tabunan yun.

"Ewan ko sayo." -__________- sabi ko nalang at nagtuloy sa pagkain.

Tumawa naman yung cuppycakes. Nang-asar pa kasi. Haaaay. Walang nagbago. -_______-

Hinintay naming makatulog si Angela. Ay, ako lang pala kasi iniwan ako ng mga buwiset -_______-

Nung nakatulog na siya, bumaba nako.

Sinalubong naman ako ni Ate Rishel. "Tulog naba?"

"Bababa ba ako kung hindi?" aba! Eh sabi nila baba nako kapag tulog na siya. Duh

"Tara." sabi niya lang tapos hinila nako palabas.

Nakita ko naman silang lahat na nakaupo sa labas at mukhang mga namatayan ulit. Ganito na ba talaga ang epekto ni Angela samin? Nakoooo sana ako nalang siya!! Joke. Masakit yung nararanasan niya eh. Ayoko nga.

"Game?" sabi agad ni Kuya Carlo pagkaupo ko. Eh? Meeting ng organization ba 'to? Bakit hindi kasali si Gela? Huh?

"Bro, hindi 'to meeting ng Kbs." sabi ni Kuya Elmo. Napatawa naman kami.

"Tsk. Sandali lang. Alam naman nating lahat yung kina Ram at Angela diba?" sabi ni Kuya Rein.

Tumango naman lahat.

"Ang daming chechebureche. Dali na! Baka magising pa si Angela eh." sabi ni Jerika. Reklamo nanaman! Hahahaha.

"Ganito kasi.. hindi naman pwedeng tayo yung magsabi kay Angela ng sitwasyon diba? Hindi rin natin pwedeng sabihin sakaniya kasi nga mas masasaktan siya. Kung tayo naman kasi yung nasa sitwasyon niya, mahihirapan din tayo diba?" sabi ni Kuya Nicolo. Oo nga.. Tama siya.

"Ito kasing kasama natin, nagmamahal ang loko. Hindi kayang iwan." sabi ni Jaerol. Pambihira. Pinagtripan pa si Ram. Hahaha.

"Bro, ano ba nangyari?" inosenteng tanong ni Daniel. Haaaay buhay!! -__________-

"Daniel no." sabi ni Kay -________- hahahaha. Iritang irita ang mukha nito. Hayayayay

Pinag-usapan nila yung kung ano yung mga gagawin namin kapag andyan si Gela. Kung ano yung mga hindi dapat banggitin. Pinag-usapan din naming gawin ang lahat para malibang si Angela. Mahirap na, baka magpakamatay siya bigla. -______- joke. Di naman tanga si Angela at alam kong malakas yung faith niya kay God para gawin yun. Hahahahaha.

"Okay ba lahat sa'yo Ram?" tanong ni Kuya Rein.

Hinintay naming lahat yung sagot niya. Siya lang kasi yung hindi nagsasalita samin simula kanina.

Tumingin siya kay Rein. Umayos siya ng upo.

Akala namin magsasalita na siya. Pero tumingin pa siya saming mga cuppycakes.

Malungkot yung mukha niya. Nakakaiyak! Huhuhuhuhuhu. Bakit ba kailangang mangyari pa 'to. Buti sana kung sa malandi 'to mangyari eh. Huhuhuhuhu.

Hay ano ba 'to! Tense!! -__________-

....

ANG TAGAL.... T___________T

Destined.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon