[A/N: First time ko 'to. Hahaha. K. Sana ok lang. Madaming nagrequest eh. Madrama daw buhay ko. Well.. that's life :)))
SABI KO NGA PO, HINDI PO ITO TRUE TO LIFE. Ang mga pangalan ng characters, hinango ko sa pangalan ng mga kaibigan kong malapit sakin para naman mas madali.]
Okaaay.
Prologue..
Sabi nila kapag nagmahal ka, wag mong ibuhos lahat.
Magtira ka ng kahit konti man lang para sa sarili mo.
Aba, malamang. Magtitira ka. Pero minsan, nakakalimutan mo yun.
Yung tipong alam mo yung dapat pero hindi mo magawa..
Hindi dahil nanghihinayang ka sa lahat ng pinagsamahan niyo. Nanghihinayang na sa isang iglap, wala na lahat ng yun.
Kundi dahil sa tingin mo mahal mo siya at iniisip mong mahal ka niya at natatakot kang pakawalan siya.
----
Naranasan ko nang magmahal ng ganyan...
Nasaktan, natuto, nakalimot, nagmahal ulit..
Pero sa mga susunod na storya, andun ang mga bagay ng natutunan mo mula sa nakaraan.
Ang buhay paikot-ikot lang. Pero pag pabalik kana, matatawa ka nalang.
Iniisip mo kung bakit ko nga ba ginawa yun dati. Atsaka ka tatawa na parang tanga.
"Pag nagmahal ka, mahal lang. Wag mahal na mahal. Para pag nasaktan ka, masakit lang. Hindi masakit na masakit."
BINABASA MO ANG
Destined.
RomanceCorny na magulong buhay. Ako nga pala si Smile Anastasia Flynn, aka Angela o Gela. At ito ang malanding kwento ng buhay ko. [P.S. Hindi po true to life 'to at hinango ko ang pangalan ng mga characters sa mga malalapit kong kaibigan. - gelogsberi]