Chapter 7 - K.O.

120 1 0
                                    

A/N: HELLO. NAINIP AKO SA KWENTO KO. TAPOS MABAGAL UPDATE. WALA KASI TALAGANG TIME EH :(((

_________________________________________

Chapter 7

So ayun na nga. Alam na ng lahat na may gusto ako kay Ram. Parang virus nga na kumalat eh.

Ang hirap naman eh. Pero syempre, yung 'lahat' na sinasabi ko, sila yung mga mapagkakatiwalaan.

"SERYOSOOOOOOOOOOOO?!" - Cheska

*nod*

"Oh?! Talaga?! Di nga?!" - Cheska

"Oo nga!! Ih, di ko din alam e. Nakakainis. Pinipilit kong sina Rein kaso wala talaga." - Ako

"Hindi naman nakakapagtaka eh." - Kay

"Ha?" - Ako

"Sheeeet Gelaaaaa. Omg parang di ako pinsan eh no. :)) pero ayus lang. Hahaha!" - Cheska

Oo nga no. Hahaha. Sinabi ko sa pinsan ng crush ko na crush ko pinsan niya. Gets niyo nyan? Suuuuus. Pag may slow pa nyan dyan, mamamalibag na ko. Pero syempre joke lang yun.

____

*text convos by Angela*

Ram: Hello :))

Me: Pm yan? :)) Hi.

Ram: Oo. Hahaha. Musta? (ehhh lagi namang dito inuumpisahan ang usapan)

Me: Ayus lang. Ikaw? (ihhh. pano kung ayus lang rin lang reply niya. Pano ko patatagalin. Pero omg!! Nagpm syaaaa!!!! :"""">)

Ram: Ayus lang rin. Haha. :)

Me: (ok Gela, hindi siya dry!!! :""> lantungin mo) Bute? Haha. Musta lovelife?

Ram: Wala ako nun. Hahaha. Sayo?

Me: Wala rin

*Conversation Ended*

SHIIIIZZZZZZZZZ. GRABEEEEEEEEEEEEEE BAKIT NAG END PA?!!!! :"""""""""">

Kumusta naman ba kasi yung kumustahin niya din yun lovelife ko diba? Tss. Mali akong tinanong ko kung kumusta lovelife niya. Ampotek naman!

PERO BAKIT NIYA AKO PINIEM? DUH ANGELA, MALAY MO GM YON. ALANGAN SABIHING GM DIBA. WAG TANGA PLEASE. NAKAKAMATAY YAN.

WAAAH!!! DI KO MATIIS ANG KILIG KYAAAAH!!!!!

"KAAAAY!!! CHESKA! MAE! ATE JASY! UYYYY HAHAHAHAHA! OMG! NAGPM SIYA SAKEN!! :"">"

*Message Sent*

"Oh?! Pano?! Kwento mo!" kaagad namang reply ni Kay. Hahaha. Uyy grabe. Kahit na text lang yan, ramdam ko at naiimagine ko ang facial expression niya ngayon no. :))

Odi kinwento ko. Kaibigan naman eh O:) Tapos pati kay Cheska na din. Tawa lang naman ng tawa. -.- EHHHH MALAMANG PINSAN NIYA EH!! ALANGAN KILIGIN DIN! HAHAHA.

Ganyan lumandi ang single for almost 5 months.. Sinasabi ko sainyo. GANYAN!

 ____

Araw araw ko nang nakakatext naman si Ram eh. Pero puro kumustahan lang. Pero pag crush mo ang isang tao, kahit anong text pa niya, kahit nga Gm na 'Good Evening' lang eh todo kilig na!! Pero di ko matiis na hanggang dito lang. Kahit na sinabi ko sa sarili ko nung umpisa palang na hanggang crush lang ako, di ko padin matiis na wag umasang magiging akin siya. Pero bakit nga ba ako nagdadrama?! Chena! Bahala na nga!

Naging masaya naman ako sa mga ginagawa ko araw araw kahit pa napapagalitan na ako madalas. Hahaha.

"Ba! Araw araw nalang nak!" galit na sabi ni Mama sakin. Eh hindi naman ako makasagot kay Mama kahit pa gusto kong sabihin sakanya na gusto kong dibdibin na yung pagseserve sa simbahan. Bukod kasi sa masaya, parang nakakagaan na din ng loob kapag nasa simbahan. Saka may pagkamasama na din ako. Charot! Hahaha di naman masama. Gusto ko lang magbago. Yung mas bumait ganun. Saka gusto ko din magmatured. Feeling ko kasi, mas madami kang matututunang mabuti pag sa simbahan. At syempre, masayang mabuhay kasama si God ;)

Pero habang tumatagal, parang minsan nga, nagiging reason ang simbahan ng lakwatsa. Pero kasi naiisipan lang ng grupo yung kakain dahil sa gutom eh.

Parish Youth Day.

"Uy gising naaaaaa."

"Si Kay kaya gising na niyan?"

Naririnig kong sinasabi nila. Pero di ko talaga madilat mga mata ko. Kainis.

"Bave. Gisingin niyo na si Gela." narinig kong sabi ni Jasy.

Inalog naman nila ako. Gusto kong magsalita kaya lang parang di talaga ako makapagsalita.

Ganito ba pag puyat na puyat -_______-

Nakaligo na sila. Si Cheska hindi kasi sa bahay daw nila siya maliligo.

Ako na sumunod. Tapos nagpahatid na kami kay Daddy ko. 6am naaa.

Pagdating namin dun, nag aayos sila. Nakita ko si Ram. Grabe, ang sarap ng almusal. Chos. Hahaha. Umuwi na muna si Cheska tapos kami naman, tumulong sa pag-aayos. Tapos the whole day, photographer at videographer ako.

Nakakapagod. Alam mo ba yung 35 hours wala kang tulog. Tapos magpapagod ka ng ganun.

Buti nga hindi ako nagcollapse eh. Reyna ata ako ng collapse.

Ang lagkit. Gusto kong maligo.

5pm na nung natapos yung program. Umalis na lahat ng youth pero lang sa Knights at Maidens. Wala lang. Lokohan. Chorvahan. Tapos napatingin ako kay Ram.

Pinasayaw siya na ewan nina Ate Aira. Ang cute niya!!! :""">

Pero syempre, pagod nako. Hahahaha. Kaya naman ako ay sumingit sakanila at inalok umuwi si Ate Aira. Edi ayun, sabay sabay na kaming umalis at dumaan sa likod. Pagdaan namin sa bahay nina Ram, Cheska, Kuya Rein, chorvalu. Nagstay saglit. He did the dance again.. :""">

Sa sobrang pagod. K.O ako.

Destined.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon