Medyo bedridden ako eh.. Hahahaha.
____________________________________
Chapter 13
CHESKA'S POV
"K"
K?!!!!!!! Fhudge, ang tagal naming naghintay, parang horror pa na may suspense, tapos isang letter lang?!! K?!! Sarap bugbugin ng lalaking 'to!! Kung di ko lang pinsan!!!
Angela, forgive me, I can't do anything..
"T*ng*na pare, tagal naming naghintay, isang letra lang sagot mo? No hard feelings? Ayos lang ba talaga sayo?" nagulat kami sa sinabi ni Daniel. Siya kasi yung pinakamalapit na kaibigan ni Angela sa mga Kbs kaya siguro ganyan siya magreact. Pero kaibigan rin naman siya ni Ram eh?
"Ang.. totoo kasi niyan..may..ano--"
Naputol ang sinasabi ni Ram dahil sa mas nakakagulat na pagreact ni Jeremiah.
"T*ng*na tol, ano?!!!"
Natahimik kaming lahat. Angela, ano ba talagang meron sayo? Ganito ba talaga epekto mo samin? Hindi na normal ang mga tao.
"may..
nililigawan nako. Kaya ko din siya iniwan.."
Hindi ako nakagalaw sa mga narinig ko..
*phuk!!*
Mabilis siyang nasuntok ni Daniel. Lahat kami nagugulat sa pangyayari.. Nakahawak na ngayon ang boys kay Daniel at Ram para pigilan sila.
"Mahal ko si Mikaela.."
Gusto kong lumapit para sampalin si Ram. Pinsan ko siya.. kaibigan ko si Angela.. Angela, wag mo akong kamuhian.. Patawarin mo kami ni Ate Rishel..
*pak!!!* "NAPAKAWALANGHIYA MO!!!!"
Napatingin ako bigla sa cuppycakes. Umiiyak sila. Angela... buti nalang wala ka dito.
Buti nalang wala ka..
dahil mas lalo kaming masasaktan na makita kang nasasaktan.
Tumingin ako kay Jasy. Yakap siya ni Kuya Elmo, yung boyfriend niya. Angela, ikaw ang dapat sumampal kay Ram.. Hindi si Jasy o isa man sa amin. Pero para sayo ang sampal na yun. Hindi sapat ang suntok at sampal pero sorry kung pinapangunahan ka man namin. Wala kaming karapatan pero ayaw ka lang naming masaktan lalo. Patawarin mo kami kung hindi namin ipapaalam lahat ng 'to sayo.. Angela, pinapangako ko, andito ako palagi para sayo.
"HALOS IPAGKATIWALA NA NAMIN SI ANGELA SAYO ALAM MO BA YUN!!? TOL, ANG LALAKING MAKAKAPAGPAIBIG KAY ANGELA, SWERTE TINGIN NAMIN. ANG SWERTE MO NA!! PERO GINAGAWA MONG MALAS SARILI MO. NAPAKAYABANG"
Sa bawat salitang binabanggit na yun ni Daniel, mas nakokonsensya ako.
Hindi ko alam kung ikakahiya ko bang pinsan ko si Ram pero naisip kong may reason si Ram sa ginawa niya.
Hindi yun gagawin ni Ram ng walang dahilan.
"LAHAT NG USAPANG 'TO WALANG KWENTA GANUN?! GINAGAWA NAMIN LAHAT PARA MASIGURONG MAGIGING MAAYOS LAHAT TAPOS---!!!"
"HINDI NIYA KASALANANG MAGMAHAL NG IBA!!!" biglang sigaw ni Mae.
Lahat kami nagulat sa sigaw niya. Hindi ko maintindihan.
"....Mae?" biglang lumabas sa bibig ko. Tumingin siya sakin. May galit sa mata niya pero hindi ko alam kung para saan.
"A..ako yung nagpakilala sakaniya kay Mikaela.." paliwanag ni Mae. Pagyuko niya, napahawak ako sa ulo ko.
Buti nalang talaga wala dito si Angela. Malakas si Angela pero alam hindi imposibleng atakihin siya kung andito siya.
*blag!*
Napatingin ako sa may pinto.
"Ano yun?" tanong ni Jerika.
Hindi ko na pinansin yung kung ano mang sinasabi nila. Tumakbo nako papunta sa may pinto.
Halos atakihin ako sa puso sa nakita ko.
"FHUDGE!!!!!!!!!!!!!!! BAVES!!!!!!!!!!!!!!! KUYA NICOLO! KUYA REIN!!!!!"
Yun nalang nasabi ko. Hindi ko alam gagawin ko.
___________________________________
SORRY :((((((((((((((((((( so dramang chapter
BINABASA MO ANG
Destined.
RomanceCorny na magulong buhay. Ako nga pala si Smile Anastasia Flynn, aka Angela o Gela. At ito ang malanding kwento ng buhay ko. [P.S. Hindi po true to life 'to at hinango ko ang pangalan ng mga characters sa mga malalapit kong kaibigan. - gelogsberi]