Chapter 14

73 1 0
                                    

Patapon ang istoryang 'to =))))))))))))))) Putcha kung anong pumasok sa isip ko, yun na!!

Chapter 14

CHESKA'S POV

"Ches...ka....i...in..di...ak...ko..--"

"Shh. Wag kana magsalita. Jusko, ano ba 'tong gagawin ko?" naluluha ako. Hindi ko alam gagawin ko..

"Anong nangyare Che-- ANGELA?!!!!!!!!" napatingin nalang ako kay Jasy.

Nataranta yung iba. Lahat kami hindi alam ang gagawin. Binuhat siya ng mga kasama naming boys.

"Narinig niya ata lahat.." bulong ni Kay. Siguro sa'ming lahat, siya yung simple ang reaction pero pinakanasasaktan sa nangyayari kay Angela. Kasi siya yung pinakamatagal nang kaibigan ni Angela.

"Nasan si Ram?" agad na sabi ni Jerika. Napatingin naman kaming lahat sa paligid.

Napansin ko si Ram na nasa tabi ng kotse. Tago dun. Dun nga madalas magtago si Angela sa'min eh. Sabi niya, para daw masaya, hanapin namin siya. Pero palagi naman siyang fail kasi ang ingay niya magtago. -_____-

Lumapit ako ng hindi napapansin ng mga kasama namin.

"Una na kami sa hospital! Sunod kayo!" rinig kong sabi nina Kuya Rein, sinakay nila si Angela sa kotse ni Jaerol.

Angela, si Ram muna ang sasamahan ko ha? Mag-isa lang kasi siya. Alam kong ayaw mo na ganito.. Kaya sige, pinsan ko siya, kaibigan kita. Pag sumunod ako sa hospital, alam kong sasabihin mo din na gawin ko 'to eh -_____-

"Totoo ba?" pabulong kong tanong kay Ram. Umupo ako sa tabi niya.

Hindi siya sumasagot. Napabuntong hininga ako.

"Kaibigan ko si Angela.. Alam kong hindi niya deserve yung ginawa mo. Galit ako sayo pero pinsan mo parin ako."

"Oo.. Totoo lahat.."

"Hindi mo ba mahal si Angela?" kalmado kong sagot pero ang totoo, gusto ko siyang sigawan.

Hindi na yata siya sasagot. Patayo na sana ako nung nagsalita siya..

"Mahal.. Mahal na mahal..." nakatulala lang siya.

Bumuntong hininga ulit ako. "Kung ganun, bakit madali sa'yong iwanan siya? Madali sa'yong saktan siya?"

"Mahirap sakin yun. Pero mas magiging madali para kay Angela at sa lahat kung malalaman nilang may mahal akong iba. Sa ganung paraan kasi, magagalit sila sakin. Kilala mo naman sila Cheska, magiging madali para sakanilang kalimutan 'to. Marunong naman silang magpatawad kaya ayos lang na tiisin ko muna yung galit nila.. o niyo, sa akin para hindi gaanong magtagal yung sakit na nararamdaman ni Angela."

"Pero sobrang nasasaktan si Angela ngayon."

"Pag iniwan ko siya ng walang sapat na dahilan, aasa siya. Magiging matagal para sakaniya ang makalimot. Mas mahirap sakin yun. Selfish kung selfish ang magiging tingin niyo sakin, naiintindihan ko yun."

Napaisip naman ako dun. Busit naman! Ayaw magprocess sa utak ko nung mga sinabi niya kaya tumayo nako.

REIN'S POV

"Bro, punta kaming chapel, ayaw mong sumama?" tanong nina Jeremiah kay Daniel.

Hindi sumagot si Daniel kaya sumenyas ako sakanilang susunod nalang kami. Tumango naman sila saka umalis.

"Ang lakas ni Angela no?" tanong ko kay Daniel pero nakatingin lang ako sa sahig.

Naramdaman kong napatingin siya sakin at naghihintay ng katuloy ng sinabi ko. Di man lang ako sinagot? -_____-

Destined.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon