Powta. Tinatamad nako sa drama. :)) Kbye
__________________________________________
Chapter 17
"Welcome home po." bati samin ng mga katulong. Ngumiti nalang ako.
Biglang may sumigaw sa may stairs. "Ate!!"
Dali dali siyang bumaba at niyakap ako.
"Ate, kamusta po?" tanong niya nang bumitaw siya.
"Sino ka?"
Bigla naman siyang naluha. Hala! Wala po akong ginagawang masama T________T
Waaaah ayaw ko nun. Ayaw ko ng luha.
"Yaya." tawag ni 'Mama' dun sa isa sa mga katulong. Wala pang sinasabi si 'Mama' pero parang alam na niya yung gagawin niya. Binuhat niya yung bata at inilayo samin.
Halata naman sigurong umuwi kami diba -____________-
One week na after nung magising ako.
One week na rin akong nagpapanggap na walang maalala.
Oo, tama. Nagpapanggap lang ako. Nabaliw kasi yung author. Hindi siya makatulog dahil sa sinimulan niyang story na 'to. Naeexcite siya sa pangyayari pero parang yung nagbabasa, walang paki. HAHAHAHA joke. Natatakot kasi ako. Ang galing nga eh. Kumpleto sila pero lang sa isa.
Hindi man lang niya ako nagawang puntahan sa hospital. Sana nga namatay nako eh. Hahahaha pero syempre, hindi ko kayang iwan ang bestfriend ko.
Ano kayang pakiramdam ng mamatay?
Malamang wala kasi patay na, di na nagfafunction. Boboman ka na din Angela.
Pero masaya ata. HAHAHAHA o iisipin mong sana buhay ka padin?
Ang tao kasi nabubuhay lang kapag namatay.
Gets? Minsan kasi, buhay ka nga, di ka naman nag-eexist. Pag naman nawala ka, dun ka nila makikita o hahanapin. Spell I-R-O-N-I-C!
Parang si Mama. HIndi naman sa bastos akong anak pero kasi, akala mo sinong palaging andyan para samin ng mga kapatid ko. Kung pwede nga lang na mangyari din sa mga kapatid ko lahat ng nangyari sakin eh. Pero joke lang, kung ako nga nahirapan, sila pa kaya? Buti nga kinaya ko pa eh!
Buti pa nga si Daddy, kahit papano, bumabawi pa samin. Lalo na sakin. Si Mama, lagi kayang kumokontra yun sa mga ginagawa ko. Hindi naman niya pinapakinggan paliwanag ko eh. Pati lovelife ko tinanggal sakin. Ginusto niya yun eh, edi wag magkalovelife! Tss.
Rebelde ba? Hindi naman. Medyo may sama lang ng loob.
Medyo Bad Girl?
Hahaha. Pero ayos naman sakin yun eh. At least may parents pako.
Sa totoo lang, nakokonsensya na nga ako eh. Hahaha. Pero eto na, nasimulan ko na kaya paninindigan ko na.
Papatayin ko na yung Angela na kilala ng lahat.
Pero magiging masaya bako? Kung nanay ko pa nga lang, ganyan siya dahil sa nangyari sakin.
Kung hindi nangyari sakin yun, di siya ganyan ganun?
Mahalaga ako? Sa paraan kong 'to ko mapapatunayan kung tapat nga sila sakin.
Masama na ba ako? Sorry, takot lang kasi akong magtiwala ulit.
Madali lang naman magpanggap eh. Madali, pero masakit.
Madaling ngumiti kasi wala namang makakapansin kung fake ba o totoo. Madaling tumawa. Madaling lang lahat.. masakit nga lang.
BINABASA MO ANG
Destined.
RomanceCorny na magulong buhay. Ako nga pala si Smile Anastasia Flynn, aka Angela o Gela. At ito ang malanding kwento ng buhay ko. [P.S. Hindi po true to life 'to at hinango ko ang pangalan ng mga characters sa mga malalapit kong kaibigan. - gelogsberi]