Hello! Hahaha. Cards out namin ngayon. Susulitin ko na baka kasi magrounded ako pag wala ako sa rank.
Yung story po hindi true to life. :)
________________________________________________________
Smile's POV
*Fast forward*
2012 na. Marami nang nagbago. Sina Andrei at Ate Mikay mukhang masaya na.
Ako naman, masaya na rin kasama mga kaibigan ko syempre. Malapit na rin mag end ang school year. Ang bilis nga eh. Parang kelan lang, gumagraduate ako ng Elementary, ngayon, mag 3rd year na ako.
"Hi babe."
Hala! Si bespren nanaman. Madami akong bestfriend dito. Hahahaha. Pero iisa lang naman ang the best, makikilala niyo din. Best friends lang kami nito ha. Babe lang talaga tawagan namin dahil na rin sa inaasar niya ako sa nangyari samin ni Andrei. Kilala niyo na siya dun sa unang chapter, siya si Paolo. Odiba, ang bait na kaibigan. Pero parang lesson na rin sakin kasi nga ang OA ng buhay. Epic
Fast forward ulit.
After few days, weeks...
It's vacation! ^^
First week of April. Holy week!
Dito kasi sa Pampanga. Pag Holy Week. Masaya at busy mga tao. Pero yung masayang yun, pasasalamat na din kay Papa Jesus. May tinatawag na pabasa sa bawat station/barangay. Tapos may mga nagpipinitensya. Madugo man pero masaya.
Laging gusto ko wala ako sa bahay. Aba! Summer naman eh. Haha.
Pero tuwing nasa labas ako at may makikita akong couplessssss, marami eh. Joke. Naaalala ko lang ang masaklap kong buhay. Pero sabi nila.. Life goes on:) tinatawanan ko nalang lahat.
Nasali Daddy ko sa gumanap na 12 disciples sa Parish namin kaya napadalas na din ang pagiging photographer ko sa simbahan at ibang event na pupuntahan niya. Photographer talaga ako no. Hindi lang halata. Hehehe.
BINABASA MO ANG
Destined.
RomanceCorny na magulong buhay. Ako nga pala si Smile Anastasia Flynn, aka Angela o Gela. At ito ang malanding kwento ng buhay ko. [P.S. Hindi po true to life 'to at hinango ko ang pangalan ng mga characters sa mga malalapit kong kaibigan. - gelogsberi]