Sampu - "Prinsipe at Prinsesa"

100 2 0
                                    

10.

Luna's POV

Nanatili ang titig ko sa lalaking nasa pintuan. Si Javier.

Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon. Totoo ba to? Naramdaman ko ang pamilyar na bilis ng tibok ng puso ko habang tinitignan siya. Tila umiikot nanaman ang mundo ko at siya na lamang muli ang nakikita ko.

Bakit ganto?

Bakit sobrang apektado ako sa presensya mo Javier? Di ko mapigilang isipin na baka nakita na kita o nakausap noon.. dahil pamilyar na pamilyar ka sakin. Kakaiba rin ang nararamdaman ko para sayo. Panandaliang nabubuo ang mundo ko.

Sino ka ba Javier?

Calvin's POV.

Lintek talaga! Anong ginagawa ng prinsipe dito?!

Unti unting humakbang si Javier papunta sa aming pwesto. Hindi nawawala at naalis ang titig ni Javier kay Luna. Ni hindi kumukurap ang dalawa. Huh.

Mukhang totoo talaga ang propesiya.

Nang makalapit si Javier sa aming pwesto ay binaling naman niya ang tingin niya saakin. Pucha! Di ko mabasa ang isip niya! Kinakabahan akong tumitig sa mga kulay abo na mata ni Javier. Hindi ko alam kung anong mga emosyon ang nararamdaman niya. Sana lamang ay hindi niya ko patayin mamaya.

"A-Anong ginagawa mo dito, Javier?" nauutal kong sabi sakanya.

"May pinuntahan lang ako dito. Nakita ko kayo mula sa labas kaya naisipan kong pumunta at kamustahin si.. Luna." Sabi nito at binaling niya ang tingin kay Luna na di parin inaalis ang titig na namamangha.

Pumunta siya dito dahil alam niyang kasama ko ang prinsesa! Yun ang totoo! Lintek naman talaga. Di ko man lang naisip na lahat ng kilos ng prinsesa ay alam niya.

Luna's POV.

"Kumusta ka, Luna?" Caswal na tanong ni Javier sa matipunong boses.

Lumunok ang ng isang beses at sinagot ang tanong niya. "Ayos lang ako. Ikaw ba Javier?"

"Ayos lang rin." Sagot nito at tipid na ngumiti. Nakatingin ako muli sa kanyang mata.

Wala akong masabi at tila nagpapasalamat ako dahil may tumawag kay Calvin.

"Oo.. Nandito.. Naiintindihan ko, sige." Sandali lamang yun at binaba niya agad ang tawag. Ba't kaya parang biglang nawala ang Calvin na kanina kong kausap? Tila walang ekspresyon ang mukha niya.

"Prin-- Javier, Luna, may kailangan pa pala akong puntuhan. Kailangan ko na umalis ngayon din." Sabi ni Calvin. Wala paring ekspresyon ito. "Patawad Luna."

"Ha? Ah.. Okay lang. Aalis na rin ako." Sabi ko naman ngunit nabaling ang tingin ko kay Javier.

"Javier, may gagawin ka ba? Maari mo bang ihatid si Luna sa kanila?" Magalang na sabi ni Calvin kay Javier.

"Hindi na Calvin! Kaya ko nanaman umuwi.. Kabisado ko ang--" protesta ko ngunit napatigil ako nang magsalita si Javier.

"Oo, hahatid ko siya." Tila walang makakapigil at walang makakatibag sa salita ni Javier kaya't di ko natuloy ang aking sasabihin.

"Sige, salamat Javier. Mauuna na ko. Paalam Luna!" Sambit naman ni Calvin.

"Ah.. Sige, thank you pala sa ice cream Calvin." Paalam ko naman sakanya. Ngumiti ng tipid si Calvin at umalis na. Sana lamang ay maging okay na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vampire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon