Dalawa - "Kaarawan"

656 14 0
                                    

2.

Natapos ang klase na wala masyadong nangyayari. Lunch na namin at halos lahat ng kaklase ko ay paalis na ng classroom para kumain sa cafeteria. Inaayos ko yung gamit ko nang may lumapit sakin.

"Ynaluna, right?"

Napalingon naman ako sakanya at tumango. Isa siya sa mga kaklase ko. Shoulder length ang brown niyang buhok at kulot ang ibaba nito. Malaki at bilog ang mga mata nito kaya napansin ko parin kahit nakasalamin siya. Maganda siya at hindi siya nagmukhang nerd dahil sa salamin.

"Luna na lang."

"Hi Luna. I'm Violin," inilahad niya ang kamay niya kaya tinanggap ko 'yon habang nakangiti. Halos kaming dalawa nalang ang tao dito sa classroom.

"Violin? As in yung instrument?"

Natawa siya sa sinabi ko. "Parang ganun na nga," sabi niya habang nakangiti. "Gusto mo bang samahan ako mag lunch? Nung isang araw pa kita nakikitang walang kasama e. Gusto sana kitang lapitan kaya lang nahihiya ako. Ngayon lang ako naglakas loob." sabi niya habang nagpeace sign.

"S-sige." tipid kong sagot. Ang saya naman. Nakahanap na ko ng kaibigan dito.

"Tara na?" yaya niya. Tumango ako at sumama na palabas ng classroom.

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, nadaanan ko ang classroom nila Ivan. Hindi pa tapos ang klase nila at mamaya pa ang lunch nila. Hindi ko rin naman makita ang loob ng classroom nila dahil wala namang bintana ito. Lahat halos ng classroom walang bintana. Maliban sa frontdoor ng bawat classroom na may maliit na glass.

"Oo nga pala Luna. Wala ka pa bang kakilala dito o ka-close man lang?" tanong ni Violin habang patuloy parin sa paglalakad.

"Meron. Pero ibang section kasi siya e,"

"Ahh. May mga kaibigan rin ako pero iba rin ang section. Don't worry. Magkaibigan na tayo simula ngayon. Ako na ang makakasama mo buong taon!" hyper niyang sagot.

Napangiti naman ako dahil dun. Nagkaron ako ng kaibigan ulit at napakagandang birthday gift na 'yun saakin. Maya maya pa't nasa cafeteria na kami at parang may hinahanap si Violin.

"Violin, here!" agad naman kami lumapit dun sa tatlong babaeng nakaupo dun sa gitna.

Hindi pa kami tuluyang nakalapit sa table nila, tumakbo agad sakin ang isa sa mga babaeng nakaupo kanina. Tatlo kasi sila kanina dun.

"Hi! Ikaw si Ynaluna diba? Ikaw yung transferee sa section B. I'm Scarlet, by the way. Nice to meet you!" masayang bati nung lumapit sakin. May dimple si Scarlet at singkit ang mata. Punong puno rin ng clips at tali ang buhok niya. Puro pink rin ang lahat ng ito. Kikay na kikay ang dating. Dinala niya ko sa table nila. Nakita ko rin si Violin dun.

"Sit here Ynaluna," dagdag na sabi ni Scarlet. Pinaupo niya ko sa tabi niya at umupo naman ako dun.

"Luna nalang.." sabi ko.

"Alright Luna. Pero why not Yna? Just asking." tanong ni Scarlet. Sasagot pa lang sana ako ng magsalita ulit siya. "Anyway, nevermind nalang. I don't mind calling you Luna naman e. Plus it's unique naman though it sounds old." tumango nalang ako at awkward na ngumiti.

"By the way Luna. I want you to meet my friends. This is Britany," tinignan ko si Britany na ngayon ay titig na titig saakin habang nakataas ang kanang kilay niya. Naasiwa naman ako sa titig niya.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at matalim akong tinignan.

"Britany!" ma-otoridad na sabi ni Violin.

Vampire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon