5.
"J-Javi..er." utas ko. Pamilyar siya. Hindi ako nagkakamali. Pangalan pa lamang niya ay pamilyar na. Pero.. san ko ba siya nakilala? Bakit hindi ko siya matandaan?
Nakita kong lumuhod siya at unti-unting inilapat ang kanyang labi sa likod ng aking kamay. Pumikit pa siya na para bang inaamoy ito. Hindi na naman napigilan ng puso ko ang pag tibok ng napakabilis.
Nakakapanghina ang mga hawak niya. Parang may dumadaloy na kung ano sa katawan ko nang maglapit ang mga balat namin. Javier.. Sino ka ba?
Dahan dahan siyang tumayo at kasabay nun ang pag dilat ng kanyang mata. Nabigla ako nang nag kulay pula ang mga mata niya habang tinitignan ang kamay ko. Mali. Tinitignan ang bracelet na nakakabit sa kamay ko. Kumurap ako at umiling. Muli ko siyang tinignan at iba na muli ang kulay ng mata nito. Katulad na siya ng kaninang kulay abo niyang mata.
Namalik mata lang ba ako nang makita kong naging kulay pula ito kanina.. o totoo 'yon? Umiling muli ako. Imposible. Hawak niya parin ang kamay ko kaya binitawan ko agad ito. Tinignan niya ang mga kamay niyang aking binitiwan at muling tumingin saakin.
Pinilit kong ngumiti sakanya. Napakaraming tao na nakatingin saamin. Narinig kong may pumalakpak d'on at sinabing, "Finally!"
Tila sumakit bigla ang ulo ko kaya napahawak ako doon. Kahit ganon pinilit ko parin magpakilala sakanya na hindi nawawala ang ngiti sa labi. "Ah.. a-ako si Luna."
Nakita ko ang pag angat ng labi ni Javier. Nakangiti siya saakin at nanatiling nakatitig lamang sa mga mata ko. "Napakaganda mo, Luna.." sambit niya.
Sandali ako napatigil dahil sa sinabi niya. Literal na tumigil ang mundo ko dahil sa mga salitang 'yon. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya.
"Prinsipe," bumaik ang katinuan ko nang may tumawag kay Javier. Napatingin si Javier sa tumawag sakanya at ganun din naman ako.
Siya..? Siya ang nakita ko kahapon. Siya yung napadaan sa classroom noong nasa locker ako. Siya ang misteryosong lalaking yon. Ang lalaking bumati saakin sa araw ng kaarawan ko.
Bumulong ang lalaking tumawag kay Javier na prinsipe. Tumango ng isang beses si Javier matapos bumulong ng lalaki. Tumingin saakin muli si Javier nang panandalian.
Humarap si Javier kay Scarlet na nasa tabi ko. Nagpalitan sila ng mga tingin. Nagtaka nalang ako ng tumango si Scarlet at hinawakan ako sa braso.
"Luna, tara na. Kumain na tayo," saad ni Scarlet saakn. "Mauna na kami, Javier at Simeon." tumango si Javier at ang kasama pa nitong lalaki na tinawag ni Scarlet na Simeon.
Naglakad na kami agad papunta sa isa sa mga table doon. Umupo na ko habang lumingon muli sa kinaroroonan ni Javier. Wala na siya roon..? Umalis na agad siya..?
Bahagyang kumirot ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ganito? Bakit natulala ako sakanya? Bakit parang ang tagal tagal ko na siyang kilala? Luna, ano bang nangyayari sayo? Nababaliw ka na ba? Nakakita ka lang ng mukhang prinsipe, kung ano ano na ang iniisip mo. Bulong ko sa sarili ko.
"Luna, ayos ka lang ba?" tanong ni Violin saakin.
"O-Oo," sagot ko sabay ngiti ng tipid. Halos hindi ko napansin na kasama ko pa pala si Violin, Scarlet at Flute dahil sa masyado kong pag iisip kay Javier.. pati na rin sa lalaking kasama niya.
"Sige. Kukuha muna ako ng makakain natin Luna. I'm sure gutom ka na," nakangiting sabi ni Scarlet. Tumango na lamang ako at binalik ang ngiti.
BINABASA MO ANG
Vampire's Desire
Vampire[PinkGumStories2014] Ang mundo ay misteryoso. Kung akala mo'y nakita mo na o alam mo na.. nagkakamali ka. Madami pang bagay sa mundo ang nanatiling tago. Paano kung nalaman mong hindi lang pala tayo ang nabubuhay dito sa mundo? Paano kung ang inakal...