Vampire's Desire (Prologue)

3K 19 0
                                    

Prologue

"Luna.. hindi ko hahayaang maging katulad ka nila. Hindi ko hahayaang makuha ka nila. Pinapangako ko yan sayo." sambit ng lalaking nasa tabi ko.

"Pero.. Ivan. Ako lang ang kailangan nila. Pag nakuha na nila 'ko.. magiging tahimik at malaya na ang eskwelahang ito," mahina kong tugon.

"Hindi.. Luna! Gagawa ako ng paraan. Wag kang sasama sa kanila. Hindi ka magiging tulad nila, naiintindihan mo ba ko?!" hinawakan niya ang magkabilang braso ko habang sinasabi yun. Hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap lang niya ako habang pinapatahan.

---

"Prinsesa," tawag niya. "Sumama ka na sakin at ititigil ko ang lahat ng ito," tinignan niya ang paligid. Nakita niya ang mga bampirang pumapatay ng tao. Mga bampirang walang awang ginagawang pagkain ang tao.. Hindi na niya masabing eskwelahan ang lugar na ito. Punong puno na ng nga bangkay ng tao at dugong nagkalat sa sahig.

"Aaaack!" napatingin ako sa estudyanteng pinagpiepiestahan ng bampira. Gusto ko siyang tulungan ngunit wala akong magawa.

Sunod sunod ng tumulo ang luha ko. Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko. Bakit ito nangyayari? Ano nang nangyayari sa dating tahimik at normal na eskwelahan? Lahat ng nangyayaring ito ay dahil sakin.. ano bang kailangan nila sakin? Naririnig ko na ang sarili kong hikbi dahil sa sobrang iyak.

"Prinsesa itigil mo ang pag-iyak," tila mala-otoridad na sabi ng lalaking ngayon ay nasa harapan ko na. Sinubukan niya hawakan ang mukha ko pero lumayo ako sakanya.

"Itigil mo na to Javier. Parang awa mo na.." pagmamakaawa ko sakanya. Lumambot ang kanyang mukha na tila na habag sakin. Pero sandali lamang yon.

"Sumama ka sakin. Ititigil ko ito at babalik sa normal ang lahat," napatingin ako sa mga pulang mata niya habang sinasabi niya yon. "Tayo ang nakatadhana para sa isa't isa.. Wag mo sanang kalabanin pa ang tadhana. Magsasama tayo habang buhay.."

Hindi ko na kaya. Kahit masakit.. kailangan kong magsakripisyo. Para matahimik na ang lugar na ito. Para maibalik sa normal ang mga bagay bagay..

Inilahad ni Javier ang kamay niya na parang inaalok na akong sumama sakanya. Unti-unti kong iniangat ang kamay ko. Handa na kong tanggapin ang mga kamay niya subalit..

"Luna wag!"

Binawi ko agad ang kamay ko at napatingin sa lalaking tumatakbo papunta sakin..

Ivan patawad.

-

a/n: Ha ha ha. Ang corny. :( :) Matagal ko na po talaga gustong gumawa ng vampire genre hahaha. Ngayon lang ako naglakas ng loob. Masyado akong nahook sa Vampire Knight at sa Twilight Series <3 Nageenjoy po kong magsulat ng ganito. Sana magenjoy rin kayo. Hahaha. Juk. Comment kayo kung may gusto kayo isuggest or sabihin. Vote kayo kung nagustuhan niyo. Sige, kahit wag na po, pagtinatamad kayo. x) Gusto ko lang ng inspiration. Chos. Hahaha. Yun lang.

Lots of love. <3

Date Started: May 1, 2014

Copyright © 2014 by PinkGum02

Vampire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon