Pito - "Magbabalik"

111 5 0
                                    

Simeon's POV

"Simeon! Wala ba kayong gagawin?! Ang prinsesa ay nasa puder ng taksil ngayon at matagal niyo nang alam yon!" Aniya ng aking kapatid na si Sephrina.

"Hindi dapat kami gumawa ng aksyon hangga't walang bilin ang Prinsepe, kapatid." Sagot ko habang patuloy na nakadungaw sa bintana.

"Ngunit! Simeon! Hindi tama 'yon! Alam mo bang masyado na nagiging malapit sa isa't isa ang Prinsesa at ang Fier na yon?"

"Alam ko 'yon Sephrina. Ngunit wag natin pangunahan ang Prinsipe. Alam kong may plano siya, hindi siya papayag na tuluyang mawala muli sakanya ang Prinsesa." Sagot ko.

At isa pa, may mga nakasaad na sa propesiya. Iyon na ang nakatadhana.

--

Luna's POV

Lumipas ang Sabado at Linggo. Wala masyado nangyari. Nagkaayos kami ni Ivan at ganun parin. Walang nagbago sa turingan namin.

Hindi ko nga alam kung nagaway ba talaga kami o ano. Iniwasan ko lang naman siya pero hindi ako nagalit sakanya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan niya pang pumunta dun at mageskandalo.

Gayunpaman, hindi na namin pinagusapan yon. Buong weekends, na kela Ivan lang ako at tinutulungan siya sa mga nirereview niya kasama si Reid, ang aso niya.

Lunes ngayon, saktong 3rd week ng pasukan.

"Luna, andito na si Ivan sa baba. Bumaba ka na dito. Nakakahiya sakanya!" Sigaw ni Ate.

Tinignan ko ang relos ko. 6:37 am palang? Ang aga naman nun pumunta dito. Wala tuloy ako nagawa kundi bilisan ang kilos para makababa na agad.

Pagkababa ko, nginusuan agad ko si Ivan at inikutan ng mata. "Ate alis na kami!"

"Teka kumain muna kayo!" Sigaw pabalik ni Ate.

"Hindi na Ate. Yayayain ko kumain to si Luna mag agahan sa labas. Mukhang badtrip sakin e, kailangan ng suhol." Tumawa pa si Ivan at nagpaalam kay Ate.

"May date nanaman kayo! Ano ba naman kayo. Buong magdamag na nga kayo magkasama nung weekends. Di ba kayo nagsasawa sa pagmumukha niyo?" Natatawang sambit ni ate.

"Ate naman.. Tinulungan ko lang magreview si Ivan kahapon para sa lalabanan niyang contest," napakamot pa ko sa batok ko.

"Wuuuh, pano ka naman nakatulong sakanya? Eh napakatalino na niyan ni Ivan," pangaasar niya pa sakin.

"Inspirasyon po! Hahahaha." Sigaw ulit ni Ivan at kumaway kay ate para magpaalam.

"Tss. Sige na, bye ate!" Paalam ko rin.

"Ingat kayo!"

Pagkalabas na pagkalabas namin sa bahay ay agad kong kinurot sa tagiliran si Ivan.

"Ikaw talaga.. Inspirasyon ka jan. Hays," ngumuso ako at kumunot pa ang noo. "Nakakainis ka, ba't ang aga mo?"

"Para siguradong kasabay kita! Kasi naman, pag di lang kita nasundo, nauuna ka agad at di mo na ko iintayin." Tumingin pa siya sakin. "Diba?"

"Eh kasi ang tagal tagal mo minsan,"

"Sus. Kung kelan pareho na tayo ng school, dun pa tayo di nagsasabay. Eh kaya nga kita pinalipat diyan sa AU para lagi kitang kasama!" Sunod sunod na sabi ni Ivan. Napatingin naman ako sakanya. "Ah.. Ano.. Syempre, para protektahan kita. Diba? Sabi ko nga sayo proprotektahan kita."

Napangiti nalang ako dun. Ang swerte ko at may kaibigan akong ganito.

"Asus," tumawa ako kinurot ang magkabilang pisngi niya. "Oo na, hihintayin na kita palagi. Sabay tayo papasok!"

Vampire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon