Tatlo - "Bagong Kaklase"

491 9 0
                                    

Maguumpisa na ang klase pero wala parin yung teacher ko. Kaya nagusap muna ang iba kong kaklase. Yung iba naman naglalaro. Yung iba, natutulog o di kaya tumatayo. Tulad na lang ni Violin na papunta sakin. Hindi pa naman busy dahil wala pa naman masyadong requirements at mga pinapagawa.

"Luna," umupo sa tabi ko si Violin since wala naman talagang nakaupo dun. "Dito muna ko ha," ngumiti siya muli.

Tumango ako. Natutuwa ako kay Violin. Super cute niya sa glasses niya and sa short hair niyang may kulot sa baba.

"By the way, Luna. Mamaya ah. Expected ka naming lahat dun,"

"Yung kela Britany ba?"

"Yup. Um-oo ka na kahapon. Di ka na pwede umayaw," natawa naman ako sa mukha niya habang sinasabi niya yun. Naka-pout kasi siya.

"Ano bang meron at may handaan kela Britany, Violin?" tanong ko. "Saka kela Scarlet din kahapon. Natuloy ba kayo?"

Napatingin bigla siya sakin na parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba o hindi. "Ah, hehehe.. actually, pare-pareho kami ng bahay. Nakatira kami sa isang bahay nila Scarlet, Britany at Flute. Sabihin na nating.. magkaibigan ang mga parents namin kaya napagdesisyunan nilang magstay nalang kami sa iisang bahay," tumigil siya sandali at nagsalita muli. "K-kahapon kasi birthday nung pinsan ni Scarlet. Uhm.. tapos ngayon.. itutuloy yung handaan. Parang 2 days celebration. Hehe," sabi niya na parang nagaalangan.

Madami pa akong gusto itanong pero dumating na yung teacher ko na may kasamang hindi pamilyar na estudyante. Bumalik na agad si Violin sa tunay niyang upuan.

"Class, sorry I'm late. Sinundo ko pa kasi tong transferee natin sa Principal's office," tinignan nung teacher ko yung transferee. "Please introduce yourself,"

"Ako si Calvin Trinidad," maikli niyang pagpapakilala. Nagtataka ako dahil habang nakatayo siya, sakin lang siyang nakatingin. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang tinitignan niya. Pero satingin ko talaga, ako. Dahil ako lang naman ang nandito sa dulo.

"That's all?" tanong ng teacher ko. Tumango yung transferee habang nakatingin parin sakin. "Alright. You may sit beside Ms. de Vera." tinuro pa ako ni Mrs. Gonzales.

Ngumisi ang transferee habang papunta sa upuan sa tabi ko. Napaiwas ako ng tingin sakanya dahil sigurado na ako na ako yung tinitignan niya kanina pa. Nailipat ko ang tingin ko kay Violin na titig na titig rin saakin.

Nagsimula na ang klase kaya nabaling ang atensyon ko sa discussion. Kahit anong gawin kong pagko-concentrate ay di ko magawa. Nakikita ko kasi sa gilid ko ang titig nung transferee sakin na nakangisi parin.

"Hi, I'm Calvin." napalingon ako sakanya nang magsalita siya. Inilahad niya ang kamay niya saakin.

"Uh.. L-Luna." nagaalinlangan kong tinanggap ang kamay niya. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ito at hinalikan ang likod ng kamay ko. Pumikit siya na tila inaamoy ang kamay ko.

Agad kong binawi ang kamay ko at ibinaling na muli ang atensyon ko sa discussion. Nakikita ko parin sa gilid ko ang titig ng lalaki.

"Totoo nga," ngumisi siya. Nagtataka man ako sa sinabi niya, hindi ko parin siya nilingon. May kakaiba kasi akong nafefeel sakanya. At hindi maganda 'yon.

Buong discussion, lumilipad ang utak ko. Hindi rin talaga ako makapagconcentrate dahil sa katabi ko. Ni-hindi nga ata ito pumipikit habang nakatitig sakin. Hindi ko alam ang nafefeel ko sa lalaking 'yon. Hindi naman siya nakakatakot.. sa katunayan nga, gwapo ang lalaking 'yun. Naweiweirduhan lang ako sakanya dahil sa pagtitig niya sakin.

Ilang minuto nalang at matatapos na ang klase. Hindi ko sinsadyang malaglag ang ballpen ko. Bago ko pa kunin 'yon, nakuha na ng tranferee yun. Tulala siyang ibinigay sakin yun. Tumingin siya sakin na parang nagtataka. Na parang may napansin siya at na parang may mali sakin. Di ko nalang pinansin ang titig na yun at nagpasalamat nalang.

Vampire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon