Siyam - "Muli"

144 3 0
                                    


Luna's POV

"Class, bago ko nga pala kayo idismissed, I have an announcement to make." Tumigil siya sandali at tinignan ang papel na hawak niya. "We will be having a club fair tomorrow, 10 am. All students are required to join at least 2 clubs for your extra curricular grades. Alright?"

"Yes, Ms." Sagot naming klase.

Nagtanungan na ang mga kaklase ko patungkol sa mga clubs. Ano kayang sasalihan ko? Hm.

"And, by the way class, half day bukas. May meeting ang mga teachers for the upcoming activities sa July. Okay? Yun lang." Nagsitilian na ang mga kaklase ko dahil sa balita ng teacher ko. "Class dismissed."

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at isa isa na silang umalis.

"Prinses-- ay, Luna pala. Anong sasalihan mong club bukas? Suggest ka naman oh, wala pa kong alam dito e," as usual, si Calvin ito. Nakangisi na naman siya.

"Calvin, transferee lang rin siya dito." Lumapit si Violin samin. Kinuha ko ang bag at mga libro ko sa upuan. "Tsaka, bakit kay Luna mo pa kailangan magtanong? Eh andito naman ako, si Britany, Scarlet at Flute para sagutin ka. Tutal nasa iisang mansyon lang tayo," napa-tsk pa si Violin habang naka ekis ang dalawang braso.

"Ah, hindi ko kasi malaman," lumaki pa lalo ang ngisi niya. "Suot niya parin," nakangisi ito habang tumingin ang mga mata sa kamay ko na suot suot ang bracelet na bigay ni Ivan.

Makikita mong tumalim ang mga mata ni Calvin pero hindi parin nawawala ang mga ngisi niya.

"Ang traydor nanaman siguro ang nagbigay niyan," bulong pa nito ngunit narinig ko parin. Huh? "Sige, Prinsesa. Una na ko! Bye Violin, kita nalang tayo sa mansyon! Paalam!" Kumaway pa ito sakin. Prinsesa nanaman..

"Calvin! Siguraduhin mong babalik ka sa mansyon! Baka hanapin ka ng prinsip-- ni Javier!" Pahabol pa ni Violin.

Hindi ko alam pero natigilan ako bigla sa pangalan na sinabi ni Violin. Si Javier. Tila nararamdaman ko ang paginit ng mga pisngin ko.

Naaalala ko nanaman ang unang pagkikita namin. Naalala ko nanaman ang mga kulay abo niyang mata na labis na intensidad ang binigay sakin. Kinabahan ako bigla. Pangalan pa lang niya, parang napapatigil na niya ang mundo ko.

Nanlaki ang mga mata ko sabay iling ng madaming beses. Waaaaaaaaah!!! Ano bang sinasabi ko?! Nababaliw nanaman ako!

"Luna, okay ka lang ba?" Nabalik ang katinuan ko sa tanong ni Violin.

Napatingin ako sa paligid. Wala na si Calvin at wala naring tao sa loob ng classroom. Kami nalang ni Violin.

"Ah-oo," ngumiti pa ko para ipakitang okay lang ako. Kaya tumango nalang siya.

"O-Okay, tara na." Lumabas na kami nang may biglang tumawag sakin.

"Luna!"

"Ivan, ikaw pala." Imbis na pansinin ako ni Ivan ay tinignan niya si Violin na nasa tabi ko. Nakatitig rin si Violin kay Ivan.

"Luna, alis na ako. Baka hinihintay na ko nila Scarlet." Paalam sakin ni Violin.

"Ah, osige. Ingat kayo pauwi Violin!" Paalam ko rin.

"Ikaw rin. See you bukas!" Tinignan muna niya si Ivan bago kumaway saakin.

Sabay kaming naglakad ni Ivan papunta sa gate, binitbit niya ang mga libro kong dala bago kami naglakad.

"Ah Luna, oo nga pala. Hindi ako makakasabay sayo ngayon pauwi. Kailangan akong kausapin ng teacher ko para sa sasalihan kong contest at kailangan ko rin kausapin ang student council dahil umabsent ako nung nakaraan," napakamot siya sa ulo niya.

Vampire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon