Anim - "Iwas"

347 18 5
                                    

Luna's POV

Isang araw na mula nang magpunta ako sa bahay nila Violin. At isang araw na rin mag mula nang iwasan ko si Ivan.

Nagkwe-kwentuhan kami nila Violin nang mabaling ang atensyon ko sa lalaking pumasok mula sa pintuan. Lahat napasinghap, maging ako, dahil sa pagpasok ni Ivan.

Ivan?.. Anong ginagawa niya dito?

Nagsimula ang bulong bulongan sa mansyon. Nakita kong luminga linga si Ivan sa iba't ibang direksyon na tila walang pakielam sa mga taong pinagbubulungan at pinaguusapan siya.

Napatayo ako habang nakatingin parin sakanya.

Lumingon siya sa pwesto ko at kumunot ang noo siya. Mabilis siyang pumunta sa'kin at hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Luna umalis na tayo rito," sambit ni Ivan.

Naguguluhan ako nakatingin sakanya. Ivan? Ano bang ginagawa mo dito? Sinundan mo ba ko? Tanong ko sa aking isip. Hindi..

"Luna tara na." wala parin akong sagot. Tila nanliit ang mata ko habang tinitignan ko siya.

"I-Ivan.. A-ano bang ginagagawa mo--" napatigil ako dahil sa mga boses na narinig ko.

"S'ya ang traydor, hindi ba?"

"Pa'no siya nakapasok dito?"

"Isa s'yang Fier. Traydor na angkan."

"Luna, nandito ako para sunduin ka. Tara na," saad niya. "Umuwi na tayo. Gabi na."

"Ivan.. ano ba." tinanggal ko ang pagkakahawak ni Ivan sa palapulsuhan ko.

"Luna umalis na tayo!" pasigaw na utos ni Ivan. "Hinahanap ka na ng ate mo."

"Ivan! Ano bang ginagawa mo dito?! Pa'no ka nakapasok?!" sambit naman ni Violin na tumabi saakin at hinawakan ako sa braso. Tinignan lamang ni Ivan si Violin ng sandali at muling bumaling saakin.

"Luna.. please, umalis na tayo." mahinahong sabi ni Ivan. Napatigil ako sa sinabi niya. Ivan.. Ano bang problema?

"de Vera," napatigil ako sa pagiisip nang tawagin ako ng teacher namin. Napansin ko na lang na nagsisialisan na ang mga kaklase ko.

Tumayo na rin ako at inayos ang gamit ko saka lumapit kay Ma'm Sorio. Lumingon muna 'ko kay Violin na sumenyas na hihintayin niya 'ko sa labas. Tumango na lang ako.

"Bakit po?" tanong ko nang makalapit na ako.

"Kaibigan mo si Gilford, di ba? Ang presidente ng Student Council?" alangan akong dahan dahang tumango.

"Opo." sagot ko naman.

"Kung ganon, ikaw na lang ang aabalahin ko."

"Ano po yun Ma'm..?

"Aware ka naman atang hindi pumasok si Gilford ngayong araw na ito, di ba?" sandali siyang tumigil pqra tignan ang reaksyon ko. Hindi pumasok si Ivan? Hindi ko alam.

"P-Po? Hindi siya pumasok?"

Umiling siya. "Hindi mo pala alam. Well, pinatawag kita dahil may gusto akong ipabigay sakanya. He's one of my top students, at pambato ko siya. I need you to give this to him para ma-review na niya dahil isinali ko siya sa contest which will be on Wednesday. Since Friday ngayon, mas madami siyang time para makapag review." kinuha ko ang makapal na libro na ibinigay ni Ma'm Sorio.

Vampire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon