1.
"Luna!"
Narinig ko ang boses ng ate ko habang umiiyak ako. Bakit puro dugo.. Hindi ko masyadong maalala ang buong pangyayari pero alam kong takot na takot ako. Nanginginig ako habang patuloy ako sa pagiyak.
"Luna.. ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak? Narinig ko ang sigaw mo kaya pumunta agad ako dito," tinignan niya ako na nagaalala. "Nanaginip ka nanaman ba?" tanong nito.
Tumango ako at niyakap agad siya. "Ate.. siya nanaman. Yung palagi kong napapanaginipan. Sinasama niya ko," halos pumipiyok kong sabi. Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sakanya.
Kumalas siya sa yakap at tinignan ako. Pinunasan niya ang luha ko ng nga kamay niya.
"Ate.. ayoko na. Bakit ganito? Sobra kong nararamdaman ang panaginip na yun. Palakas ng palakas ang mga naririnig kong iyak sa mga tao. Padami ng padami ang mga nakikita kong namamatay. A-Ate.. sumama lang daw ako sakanya at ititigil niya ang laha-"
"Wag!" Biglang sigaw ni ate. "Wag na wag kang sasama sakanya."
"Hindi naman niya ako makukuha diba? Ate panaginip ko lang yun diba?" Kinakalma ko ang sarili ko sa pagtatanong sa ate ko.
"Ssshh. Tama na.. Basta.. Luna," pilit niya 'kong pinapatahan. Hindi niya sinagot ang mga tanong ko. "Wag k-kang sasama. Kahit anong mangyari," Kahit hindi ko man naiintindihan ang totoong nangyayari, pinipilit ko paring tanggapin ito, gulong gulo man ako. "Tandaan mo ang bilin ni Ate."
Tumango ako at niyakap siyang muli. Ilang minuto rin akong yumakap sakanya at kumalma rin ako. Kumalas ako ng yakap kay Ate at ngumiti ng pilit sakanya.
"Okay ka na ba?"
"Okay na po ako," sagot ko habang pinupunasan ang mga tuyong luha ko.
"Wag mo na alalahanin yun. Okay? Birthday mo pa naman. You should be happy, it's your day." sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Happy seventeenth birthday Luna,"
"T-Thank you ate." ngumiti ako ngunit alam kong hindi ito umabot sa mata ko.
"Kaya mo bang pumasok ngayon?" Tanong nito. "Okay lang sakin kung aabsent ka ngayon. Tatawagan ko nalang ang school mo at sasabihing hindi maganda ang pakiramdam mo."
"Kaya ko naman ate.."
"Sigurado ka ba?"
Tumango ako sa tanong niyang yun. Kahit ang totoo'y hindi ako okay. Ayokong magalala pa siya.
"Osige, iwan na kita dito. Magayos ka na at baka malate ka pa," pagtapos niyang sabihin yun, hinalikan muna niya ko sa ulo. "Oo nga pala, imbitahin mo si Ivan dito mamaya ha. May handa tayo." Ngumiti siya matapos niyang sabihin yun at umalis na sa kwarto ko.
Hindi mapanatag ang loob ko dahil sa panaginip kong 'yon. Bakit palagi ko nalang napapanaginipan ang mga bagay na yun tuwing birthday ko?
Alam ko namang may mali. Alam ko namang may gusto 'yon sakin ipahiwatig. Pero hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong mapanaginipan ang mga yun?
---
Naglalakad na ko papunta sa AU o mas kilalang Alistair University. Ang school na 'yon ang pinapasukan ko. Hindi man masyadong sikat ang pribadong eskwelahan na yon, isang karalangan parin ang magaral dun. Sobrang saya ko ng bigyan ako ng scholarship dun. Hindi kasi basta basta ang paaralang iyon. Humahanap sila ng matatalino, at mga maabilidad na estudyante. Ngunit sa kabila nun, may mga masasama at di magandang impresyon din sa school na yun. Wala pa naman akong masasabi sa school na yun dahil kakapasok ko lang dito nung isang araw. So far so good naman.
BINABASA MO ANG
Vampire's Desire
Vampiros[PinkGumStories2014] Ang mundo ay misteryoso. Kung akala mo'y nakita mo na o alam mo na.. nagkakamali ka. Madami pang bagay sa mundo ang nanatiling tago. Paano kung nalaman mong hindi lang pala tayo ang nabubuhay dito sa mundo? Paano kung ang inakal...