Chapter 4

71 3 1
                                    

                                                                             ~Chapter 4

Ella's POV [picture at the side]

hi (: ako nga pala si Ella Ashley Fortez ang Vice president ng TWS student council . Soo ngayon ito nakikinig ako sa mga sinasabi ng Vice Principal naming at andito din yung lalaking nakabangga ko na masungit at kung sino maka-asal tapos madami pa kami hindi ko lang talaga sila kilala

Ng matapos na ang mga pinagsasabi ng Vice Principal naming , itong mga estudyante ay agad na rin umalis ng student council room . at nakita ko rin si Dann ba un ? Yung sinasabi nilang gwapo ?

Gwapo nga , Sama naman ng Ugali san ka pa ? well ayun inirapan nya ako bago lumabas ng kwarto .

Buti sya at mabait ako kung hindi nasugod ko na sya ! tssss, nakakabanas na talaga siya , sa lahat pa ng nakilala 'kong lalake na kasama sa Project na'to bakit pa sya ?! Karma nga naman.

"ELLA !" lumingon ako at tiningnan kung sino yun , si Troy pala

"Bakit ?" sabay tingin sa palagid ko , kung may nakatingin sa amin

"uhmm..... kasama pala kita sa Project na binigay nung V. Principal "

nakatingin lang ako sa kanya na as in "straight face " lang , na parang nagtataka na alam naman pala nya and then ? after that ? pake ko ?

ah oo nga pala c troy ay isa 'kong matalik na kaibigan or sabihin natin na bestfriend ko , pero ang tingin ko sa kanya ay hindi basta bastang kaibigan kung hindi may feelings din ako sa kanya .

Kaso dahil sa nararamdaman ko naging magkalayo kami.

"uhmm...kamusta ka na pala ?" alalang-alala niyang tanong

"okay lang naman , bakit mo naman inabalang tanungin ako ? " sinabi ko habang walang ekspresyon ang mukha ko.

masakit para sa akin eh , ano ba magagawa ko ? hindi ko naman pwedeng sabihin "miss na kita" kasi wala rin naman akong karapatan diba ?

"alam mo pagiging bitter mo sa akin , walang magbabago" napakunot-noo siya sa mga kilos na ginagawa ko sa kanya , ramdam na ramdam ko .

Sabihin na nating bitter ako , dahil sayo ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito eh , you can't simply blame me for that ..

*Flashback*

"mahal kita matagal na . ano magagawa ko ?" sabi ko habang nakayuko

andito kasi kami sa Park , sabado naman ngayon kaya walang pasok at tinanong ko sya kung pwede makausap ko sya.

"ash ! may mahal akong iba alam mo naman hanggang kaibigan lang kita diba ?" bigla niya na lang sinabi na parang galit na malungkot .. mix emotions ang nakikita ko sa mukha nya .

sumikip dibdib ko nung narinig ko yung salitang "hanggang kaibigan " lang ako sa kanya , sa bagay ano ba ineexpect ko ? wala naman talaga siyang feelings sa akin .

~ringraaangroooong~ biglang nagring ang iphone niya at hindi niya lamang ito tinignan , sinagot niya na lang ito kaagad.

Troy Drew's POV

Biglang may tumawag .

*answer call*

"Troy ! brad ! "

grabe sumigaw itong si Dann , di naman ako bingi ah .

"chill brad, anyare ba ?"

"S-si uhmm wag ka magagalit o magugulat ha."

A story of us; Pinky promise .  [under heavy construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon